Bakit ba urong-bayag ang pulitiko kapag illegal na sugal ang usapan?
October 24, 2003 | 12:00am
NAGBUKASAN na ang mga pasugalan sa Maynila, kaya ngiting aso na naman ang mga gambling lords lalo na si video karera king Buboy Go dahil mapupuno na naman ng barya ang kanyang bulsa. Siyempre, kapag masaya si Buboy Go hindi naman pahuhuli si Randy Sy na anak ng isang chairman na bagyo kay Mayor Atienza. Tuloy pa ba ang ilegal na koneksiyon ng tubig at jumper ng kuryente nyo diyan sa ibaba ng tulay sa Claro M. Recto, ha chairman bagyo? He-he-he! Kinakalkal pa ng espiya ko ang mga ilegal mong aktibidades chairman at malapit ka nang husgahan ni Mayor Atienza.
Pero hindi naging madali ang pagbukas ng mga pasugalan dahil nagkaroon din ng drama sa Western Police District (WPD). Tinanggal ang dating bagman para palabasin na nabukulan niya ang kanyang amo. Pero sa tingin ko yon ay para lang may masisisi kung bakit dumating sa punto na nagsarahan nga ang mga pasugalan. Ayon naman sa Manilas Finest yaong nasa itaas lang ang naapektuhan at ang mga nasa ibaba ay sila pa rin kayat wala namang mangyayaring pagbabago sa kalakaran ng mga pasugalan diyan sa Maynila. Kaya tuloy na naman ang ligaya nina Lorna na sekretarya ni bookies king Boy Abang, Apeng Sy, Andoy dela Cruz, Tom Pulis, Noli Rodriguez, Estrella, Arnold Ajesta, Delfin Alcoriza, alyas Sancho at iba pa. Kaya pala medyo nakangiti na ang mga opisyales ng WPD natin sa ngayon, di ba mga suki?
Kung sabagay pati tayo ay naabala rin sa pagsara ng mga pasugalan sa Maynila ng ilang linggo. Marami ang kumausap sa atin na tigilan na ang pagbubulgar ng illegal gambling sa WPD dahil marami ang nagugutom. Marami rin sa kasama natin sa hanapbuhay ang galit sa akin. Bakit kaya? Ginampanan ko lang naman ang aking trabaho. Walang kasamang personalan ito dahil gusto lang natin tulungan si Mayor Atienza na linisin ang Maynila. Di ba kasama yan sa programa ni Mayor?
Pero kung ano man ang nangyayari sa ngayon sa Maynila, hindi ito nangangahulugan na titigil na tayo sa ginagawa nating pagbubulgar. Mangingibabaw sa atin ang sumbong ng sambayanan keysa mga pakiusap ng mga kaibigan at tamaan na ang dapat tamaan. Akala ko kasi, seryoso na si Mayor Atienza na ipasara ang pasugalan, pero lumabas din ang tunay niyang pagkatao, he-he-he! Kayong mga pulitiko talaga. Urong-sulong ang mga bayag kapag ilegal na pasugalan ang pag-uusapan.
Kasi nga nang magsarahan ang mga pasugalan, si Buboy Go lang ang halos hindi naapektuhan. Habang umaaray ang mga gambling lords sa Maynila dahil papakainin nila ang mga pamilya ng kani-kanilang mga tauhan.
Si Buboy Go ay nagsisipol lang dahil marami pa siyang makinang nakalatag sa ibat ibang bahagi ng Metro Manila lalo na sa Caloocan City hanggang sa probinsiya ng Bulacan. Wala na atang katapusan ang buwenas sa buhay ni Buboy Go. At kung gagawing basehan ang patuloy na pamamayagpag niya sa Maynila, Caloocan City at Bulacan pinatunayan niya na hindi nilalaro lang niya sa kanyang mga daliri itong ating kapulisan at mga pulitiko. Abangan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended