^

PSN Opinyon

Testicular cancer

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
HINDI lahat ng lalaki ay nakaaalam tungkol sa testicular cancer o kanser sa bayag na ayon sa mga espesyalista ay nadaragdagan ang kaso sa bawat taon. Karamihan sa dinadapuan nito ay mga kalalakihan na umeedad ng kinse hanggang beinte kuwatro.

Walang nakasisiguro kung ano ang sanhi ng testicular cancer subalit may mga warning signs ito. Kaya ang payo sa mga kalalakihan dapat na suriing mabuti ang inyong mga ‘‘balls.’’

Kapag may makitang hard lump o parang bukol sa harap o gilid ng bayag ay dapat na maalarma na kayo. Ang paglaki at pamamaga ng bayag ay obserbahan din. Kapag nakakaranas ng sakit at hindi mapalagay at pagmaobserbahan ang kakaibang lagay o unusual difference ng dalawang betlog. Kapag naliligo ay masusing tingnan ang inyong balls. Normal na ang isang itlog ay mas malaki at mas mataas sa isa pero dapat na pareho ang timbang ng dalawang itlog.

Kapag may mapuna kayo na kakaiba sa inyong testicles kaagad na magpasuri sa doktor. Huwag kayong mahiya at mag-aksaya ng oras na magpatingin kung wala o meron kayong testicular cancer na isang seryosong karamdaman ngunit kung maagang magagamot ay katiwasayan ang madarama.

BAYAG

CANCER

DAPAT

HUWAG

INYONG

KAPAG

KARAMIHAN

KAYA

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with