Paano na ngayon ang mga binitiwang salita nila Danding Cojuangco na hindi siya tatakbo kung si PGMA ay tatakbo sa 2004? Paano na rin ang mga sinabi ni Fernando Poe, Jr., na hindi rin siya tatakbo sa 2004? Pwede na lahat kayong mag-iba ng isip at magdeklara.
Ang balitang tatakbo si PGMA kitang-kita sa kanyang Body Language, nun pa man. Itong mga nakaraang araw, merong mga paid ads (advertisements) na lumabas sa dyaryo na kunwari ay katha ng isang estudyante justifying the change of mind of PGMA entitled By Divine Decree. Lumabas muli ito isang araw bago mag-deklara si President Arroyo ng kanyang desisyon para tumakbo. Napakamahal na bayad para sa isang full page sa mga dyaryo na isinulat ng isang estudyante, kuno (Baka estudyante ni PGMA nung nagtuturo pa siya sa Colegio at ngayoy nasa kanyang kampo na).
Marami at ibat ibang dahilan o alibi ang pinalutang ng kampo ni PGMA para ma-justify ang kanyang change of mind, meron kunway Divine Guidance, Public Demand, Political Party Decision, etc., ngunit namangha ang lahat nang aminin ni PGMA, na itoy ay talagang totoo, na personal niyang desisyon ang pagtakbo dahil sa kanyang paniwala na may kakayahan siyang mapagbago ang lipunan at nakikita niya na kailangan pa siyang magsilbi sa bayan kayat pinauubaya na niya sa bayan at sa Diyos ang paghusga.
Sa mga pahayag ng oposisyon, tila natutuwa sila sa deklarasyon ni PGMA. Sinasabi nila na ang ginawa ni PGMA ay patunay lamang na wala siyang isang salita. At ang patuloy na krises pang-ekonomiya, ang hindi matigil-tigil na Corruption, ang pagtaas ng kriminalidad ay lalong nagpapatunay ng kapalpakan ng kasalukuyang administrasyon. Hindi rin umanoy maaring idahilan ang Middle East Conflict, Worldwide threat of terrorism at depression , pati na ang Politicking na sanhi ng kasalukuyang kahirapang dinadanas ng ating mamamayan.
Sa isang banda naman, maari ding naging biktima lamang si PGMA ng kasalukuyang dispensasyon, alalahanin natin na hindi siya halal ng bayan, kundiy produkto lamang ng EDSA II. Kung bagay , isang anak na may maraming magulang o pinagkakautangan ng loob. Kaya marahil ay parang isang pinuno na nakatali ang mga kamay sa maraming mapagsamantalang nakapaligid sa kanya. Kung kayat nais isapalaran ang sarili sa darating na halalan at pag pinalad, gagawin ang lahat para sa bayan ng hindi inaalintana kung sino man ang tatamaan dahil ang pinagkakautangan ng loob ay ang mamamayan.
Sa panig naman ng oposisyon, maganda ang laban, malaki ang pag-asang makuha ang pagka-pangulo, ngunit kung silay hindi magka-isa sa kanilang kandidato, malamang na sa kangkungan sila pupulutin. Malalakas at magigiting ang lumilinya sa pagka-pangulo sa hanay ng oposisyon. Andyan si Ex-Senator Roco, si Senator Ping Lacson, ang Industrial Magnate na si Danding Cojuangco, si Nene Pimentel at iba pa. Ngunit kung lahat naman sila ay tatakbo, malamang na mababasag ang puwersa ng oposisyon at bulaga! Si GLORIA pa rin hanggang 2010.
Kahit sinong nakakaintindi ng kanyang ABCS sa politika, malaki ang advantage ng isang imcumbent sa election. Sa sitwasyong ito, PGMA HAS THE MACHINERY, SHE HAS THE INFLUENCE, SHE WILL HAVE THE SUPPORT (FINANCIAL, MORE IMPORTANTLY) and this will already put her in the lead. Para sa akin, maganda na rin na lumahok siya sa 2003 at magkaalaman na kung siya nga ang pipiliin ng taong bayan na pinuno natin sa mga oras ng krisis para itawid tayo sa kahirapan. Isa lang ang dasal ko. Dasal nating lahat. WALA SANANG DAYAAN.
Nais ko ring ipaalam sa inyo na sinulat ko ang kolum na ito with OBJECTIVITY in mind. Dahil sa aking kagustuhan na mabigyan din ninyo ng halaga ang mga usaping ito na siyang guguhit sa kinabukasan ng ating bayan sa mga darating na panahon.
Ano ang mga personal ninyong kasagutan mga giliw na tagasubaybay ng CALVENTO FILES, sa dalawang katanungang hinahain ko sa inyo: Una, Naniniwala ba kayo na may kakayahan si PGMA para mabago ang ating lipunan at kabuhayan? Pangalawa, Naniniwala ba kayo na kailangan ang panibagong Panguluhan para sa nasabing pagbabago?
PARA SA INYONG MGA KASAGUTAN, COMMENTS AT REACTIONS, MAARI KAYONG TUMAWAG SA TELEPHONE NO. 7788442, MAAARI RIN KAYONG MAG-TEXT SA 0917-9904918.