Pagkatapos ng video karera,pa-bookies naman Mayor Atienza
October 5, 2003 | 12:00am
MATAPOS ilampaso ang mga makina ni video karera king Buboy Go, pinagtuunan naman ng pansin ng elemento ng Western Police District (WPD) ang mga nagkalat na pa-bookies ng karera sa Maynila. Sinusuyod maigi ng District Intelligence and Investigation Division (DIID) WPD sa pamumuno ni SPO2 Rolly Bañez ang mga puwesto ng bookies at sapilitan din silang nagsarahan nitong mga nagdaang mga araw. Pinatunayan lamang ni Manila Mayor Lito Atienza na walang tinatawag na untouchable sa kaharian niya kung ang mga gambling lords na sina Buboy Go, Randy Sy, Arnold Ajesta, at alyas Sacho at Neri, Tom Pulis, Andoy de la Cruz, Apeng Sy, Oscar Simbulan alyas Boy Abang na ang codename ay Lorna, at Lando Simbulan ang pag-uusapan, he-he-he! Tapos na ang pagkaladkad nyo sa pangalan ni Mayor Atienza, mga hunghang!
Marami ang nagsasabing nagtagumpay tayo sa adhikain nating malinis ang Maynila ng ilegal na sugal kung itong mga sunud-sunod na pagsalakay sa mga makina at pa-bookies ang gagawing basehan. Pero kung ako naman ang tatanungin, tagumpay ito ng mga Manilenyo dahil sila ang walang sawang nagsusumbong sa akin kung saan matatagpuan itong mga makina at bookies ng karera hanggang umaksyon na nga ang pulisya. Sa ngayon, kung maganda na ang Maynila, bunga sa samut saring proyekto ni Mayor Atienza, di ba maganda ring tingnan na wala ring masilip na pasugalan sa saan mang sulok ng siyudad? Ang ibig kong sabihin, kung ikukumpas lang nina Mayor Atienza at Chief Supt. Pedro Bulaong, ang hepe ng WPD, ang kanilang mga kamay, eh kaya palang linisin ang kalye ng Maynila, di ba mga suki? Sinisiguro ko na bababa ang bilang ng krimen at mga adik sa Maynila dahil sarado ang pasugalan nga, he-he-he! Dapat magbago na kayong adik at mga kriminal dahil seryoso na ang ating pulisya na ipakulong kayo!
Pero kung nagtagumpay man tayo, siyempre may halo rin itong lungkot dahil hindi ang lahat ng Manilenyo ay natuwa sa nangyari sa Maynila. Noon pang isang linggo ay may natatanggap tayong mga text messages na nananakot dahil sa aksiyon nina Atienza at Bulaong. Ang ginagamit ng nanggugulo sa akin ay ang numerong 0916-2967599. Siguro naapektuhang maigi si loko dahil sobra ang galit sa akin bunga sa pagsara ng pasugalan sa Maynila. Gambling lord ka kaya? O alipores lang? Kung sabagay, nais kong mabatid mo na hindi naman tayo natatakot dahil sa tingin ko ginampanan ko lang ang trabaho ko, he-he-he! Lalo nating pag-ibayuhin ang pagbantay sa mga pasugalan sa Maynila para hindi na makangiti ang mga gambling lords na ito, di ba mga suki?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended