^

PSN Opinyon

'Pandora's box ' ni Kris Aquino

- Al G. Pedroche -
SARI-SARING text messages ang tinatanggap ko. Mga reaksyon tungkol sa pagbubunyag ni Kris Aquino sa kanyang mapait na karanasan sa piling ni Parañaque Mayor Joey Marquez. Karamihan ay nakikisimpatiya kay Kris at kumukondena kay Marquez.

May mangilan-ngilang pumipintas kay Kris. Isang texter ang nagsabing "Society’s morals and values have gone haywire. An adulteress and home-snatcher becomes model heroine of woman’s lib and rights movement."

Kumampi man tayo o tumuligsa sa anak ng dating Presidente, napakalawak at napakalaki ng social impact ng ginawa niyang pagbubunyag sa kanyang mapait na karanasan. Yung mga babaeng dati’y nagsasawalang-kibo sa pang-aabuso’t pananakit ng kanilang mga asawa o kinakasama’y natutong lumantad upang ireklamo ang kanilang mga partners. Tapos na ang kanilang pagpapaka-martir.

Pati sa aspeto ng politika ay naka-impluwensya ang mainit na isyung ito. Dati-rati’y hindi pinapansin, bagaman at open-secret, ang mga politikong may higit sa isang asawa. Di nga ba’t hayag ang pagkakaroon ng maraming asawa ni Joseph Estrada pero sa kabila nito’y ibinoto siya ng nakararaming Pilipino bilang Presidente ng bansa?

Matapos ang nakahahambal na rebelasyon ni Kris, inihayag ng National Ecumenical Consultative Committee na dapat pagbawalang kumandidato sa 2004 elections ang mga politikong babaero. Palagay ko, kung masusunod ang panukalang iyan ay marami ang masasagasaan. Kaya isang "kahon ni Pandora" ang isyung ibinunyag ni Kris. Such revelation would drastically change the social and political culture of our society.

Kaya lang, masyadong nakokondena ang mga kalalakihan pagdating sa pangangalunya. Sabi ng iba, mas maraming imoral na lalaki kaysa imoral na babae. I beg to disagree. Kung sa bawat nangangalunyang lalaki’y may kasangkot na dalawa o higit pang babae na ilegal niyang kinakasama, sa makatuwid, sa bawat imoral na lalaki’y may dalawa o higit pang imoral na babae.

Ergo, let us not condemn man or woman for immorality but condemn immorality itself
sapagkat iyan ang salot na magpapahamak sa sangkatauhan.

DATI

ISANG

JOSEPH ESTRADA

KARAMIHAN

KAYA

KRIS AQUINO

KUMAMPI

MAYOR JOEY MARQUEZ

NATIONAL ECUMENICAL CONSULTATIVE COMMITTEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with