Nagalit pala si Mayor Atienza sa kapulisan dahil hindi masugpo ang video karera
October 1, 2003 | 12:00am
NAGPIYESTA ang mga photographer, sa pagkuha ng mga larawan habang minamaso nina Western Police District Director P/Chief Supt. Pedro Bulaong at deputy director P/SSupt. Juanito De Guzman ang mga nakumpiskang video karera sa harapan mismo ng WPD headquarter noong Lunes ng umaga.
May 26 na video karera ang kanilang winasak habang nakatutok ang mga tv camera at nagtatalsikan ang mga laway ng mga radio reporter sa pagbato sa era, he-he-he!
Itoy bahagi lamang ng kanilang kampanya laban sa demonyong makina na sumisira sa murang kaisipan ng ating mga kabataan at tinatambayan ng mga adik. Ayon kay Major Gerry Agunod tagapagsalita ng WPD ipinag-utos ni Gen. Bulaong ang crack down operation laban sa mga makina nina Buboy Go.
Ayon naman sa aking espiya, nagalit umano si Manila Mayor Lito Atienza sa kanyang mga kapulisan dahil sa kapabayaan ng mga ito na masugpo ang mga naturang makina. Labis umanong nasisira ang kanyang political career at nababahiran ang kanyang ambisyon na muling mahalal sa darating na 2004 election.
Ayon naman sa mga Manilas Finest na aking nakausap, habang nagluluksa umano si Buboy Go dahil sa pagsawata ng kanyang mga video karera ay namamayagpag naman ang apog nina Randy Sy at Arnold Ajesta.
Si Randy Sy umano ay inaanak ni Mayor Atienza kayat hindi kayang hulihin ng mga pulis Maynila ang mga makina nitong inilatag sa District 1, District 2, District 3, Kahilum Uno at Dos sa Pandacan. Laging bukambibig umano ni Randy Sy na hindi siya kayang tinagin nang kahit na sinong pulis dahil malakas siya sa Office of the Mayor. Talaga palang matapang ang apog nito, he-he-he!
Takot din umanong salakayin ng mga pulis ang mga makina ni Rambo Arnold Ajesta na inilatag nito sa Balut Tondo hanggang Happy Land at maging sa mga sulok ng Divisoria, dahil minumura nito ang mga kapulisan at gumaganti umano ito sa mga pulis na mayroong mangilan-ngilang video karera.
Marami umano itong padrino na matataas na opisyal na pulis sa WPD kayat hindi ito kayang tinagin ng mga pipitsuging pulis lamang. Malaki siguro magbigay ng datung si Ajesta sa mga opisyal kaya bagyo ang dating niya ano mga suki?
Hindi ako naniniwalang palalampasin ito ni Mayor Atienza. Kilala ko si Mayor kapag nag-utos walang sinisino. Ang utos ni Mayor ay hindi kayang baliin ng kahit na sinong opisyal ng pulis lalo pat nakasisira sa kanyang ambisyong pulitika.
O mga suki nagsimula na ang hudyat ni Atienza at Bulaong laban sa mga demonyong video karera. Ipagpatuloy ninyong iparating sa akin ang mga tamang address na kinalalagyan sa inyong lugar upang maiparating ko sa kanila.
Hindi po tayo titigil sa ating krusada na lipulin ang mga makinang sumisira sa kaisipan ng ating kabataan. Abangan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended