^

PSN Opinyon

MMDA motorcycle officer,tiklo sa kotong

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
SUBOK na namin sa anumang operasyon ang grupo ni Col. James Cristobal ng Traffic Management Group (TMG) sa Camp Crame.

Sa loob ng isang taon, ilang beses ng nakasama ng aming investigative team sa telebisyon ang piling-pili na tauhan ni Col. Cristobal, mapaumaga man o mapagabi.

Isa sa mga matagumpay na operasyon ng BITAG at ng TMG ang mga "hot cars" na ibinibenta sa mga showrooms ng mga car dealers. Isama na natin dito ang operasyon sa iligal na paggamit ng mga crystal tail lights ng mga sasakyan sa lansangan.

Pero ang hindi namin makakalimutan ay ang pagtuldok ng BITAG at ng TMG sa paggamit ng ilegal na KABATAS car plates. Ito yung grupo na pinagmamalaki ng mga huwes at mga alagad ng batas.

Sa tagal ng panahon, nagkaroon na kami ng tiwala sa bawat isa. Nakita nila kung paano magtrabaho ang aming grupo. Ang tagumpay ng aming pinagsanib na operasyon ay kabilang sa accomplishment ng team ni Cristobal noong siya’y major pa.

Nitong sabado, tumawag ang grupo ni Cristobal sa BITAG sa pangunguna ng team leader nitong si PO3 Alexander Dingle. Hinggil ito sa pangongotong ng isang MMDA motorcycle officer sa isang colorum van sa may EDSA.

Hiningan ng MMDA motorcycle officer na si Armando Masilang ng halagang P6,000 ang biktimang si Rodrigo Mendoza. Nakipagtawaran ang biktima at pumayag si Masilang sa halagang P2,000.

Agad namang nagsumbong ang biktima sa Traffic Management Group ni Col. Cristobal. Tinawagan din agad ng grupo ni Cristobal ang BITAG para maisagawa ang entrapment.

Nitong nakaraang Lunes, pinlano na ng BITAG at ng TMG ang isasagawang entrapment sa Fairview Quezon City. Dito napagkasunduan ng biktima at ni Masilang na magkabayaran habang isinasagawa ng MMDA motorcycle unit ang kanilang training.

Minanmanan ng BITAG at ng TMG ang lugar at isinagawa ang surveillance sa dalawang magkahiwalay na sasakyan. Parang nakatunog si Masilang sa aming operasyon kaya’t inutusan na lang nito ang pobreng trainee para kunin ang marked money na iaabot sa kanya ni Mendoza bilang areglo sa kanyang kinumpiskang plaka.

Hulog sa BITAG ang pangyayari. Laking gulat ng grupo nang mahulihan ng .45 baril at dalawang magazine ng baril si Masilang.

Agad na dinala sa Camp Crame si Masilang kasama ang tumanggap ng pera. Lahat ng pangyayari kuha ng aming BITAG camera.

Panoorin sa BITAG sa susunod na Sabado, alas-11 ng Oktubre, 5:00-5:30 sa ABC 5

ALEXANDER DINGLE

ARMANDO MASILANG

BITAG

CAMP CRAME

CRISTOBAL

FAIRVIEW QUEZON CITY

JAMES CRISTOBAL

MASILANG

TRAFFIC MANAGEMENT GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with