^

PSN Opinyon

Pagka-inutil sa pakikipag-sex at ang prostate cancer

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
ITUTULOY ko ang pagtalakay sa prostate cancer. Ngayon ay ang tungkol sa pagka-inutil o sexual impotence na may kaugnayan sa prostate cancer ang bibigyang diin.

Ang pagkainutil sa pakikipag-sex ang nagiging karaniwang kumplikasyon makaraang sumailalim sa treatment ng prostate cancer. Isa sa mga dahilan ay ang pagkapinsala dahil sa pagtistis (surgery) o radiation sa nerves o vessels na responsible sa pagdadala ng dugo sa ari (penis) para ito tumigas. Ang pagka-inutil ay ang walang kakayahang tumigas ang ari kahit na naroon ang pagnanasa. Kahit na anong pilit ay hindi magawang makasaludo ang ari.

Ang pagkainutil na dahilan ng radiation ay karaniwan nang nagiging permanente at tumatagal nang hanggang isang taon makaraan ang pagsasailalim sa prostatectomy. Fortunately there are a number of ways impotence can be corrected. Loss of potency following treatment should not be attributed to psychological factors; it is usually due to treatment. However in some instances, potency can be diminished by psychological factors. A patient or his partner may fear that sex can either spread cancer to the patient, or sometimes decrease the chances of being cured. Both notions are unfounded.

Ang pagka-inutil ay maaaring lunasan sa pamamagitan ng oral drugs, penile ring, vacuum devices, self-implant at penile implant.

Ang oral drugs ay madaling paraan subalit hindi epektibo. Ang penile ring ay madali rin subalit hindi gaanong epektibo. Vacuum device is effective but is cumbersome and in a number of cases may be penile bruising. Self-injection is effective but penile injection is required while penile scarring is possible but erection may be prolonged.

Ang implantation device ay epektibo subalit may panganib na magkaroon ng impeksiyon at ang pamamaraang ito ay masyadong magastos.

Marami pang paraan para malunasan ang pagkainutil sa pakikipag-sex. Maraming mapagpipilian kung saan kayo masa-satisfied.
* * *
Maligayang bati sa Character Building Foundation Incorporated sa kanilang unang anibersaryo. Ang kanilang tagumpay ay dahil sa masigasig at walang humpay na pagpupunyagi nina Heidi Sison at Gen. Regie Lacson. Congrats sa inyo!
* * *
Kung mayroon kayong katanungan kay Dr. Elicaño, sulatan siya. Ipadala sa ganitong address: WHAT’S UP DOC? ni Dr. Traquilino Elicaño Jr. Pilipino Star NGAYON, Railroad cor R. Oca Sts. Port Area, Manila

CHARACTER BUILDING FOUNDATION INCORPORATED

DR. ELICA

DR. TRAQUILINO ELICA

HEIDI SISON

IPADALA

OCA STS

PILIPINO STAR

PORT AREA

REGIE LACSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with