Ayon sa ating bubuwit, 90 days na lang at Pasko na.
Happy birthday kay dating Isabela Gov. Ben Dy, Jennifer Flower Simon ng DZRH, Atty. Diosdado Padilla, Rudy Macalma, Lilia Federico, Lola Upeng Itoralba, Gillie Caparas at Jojo Cheung ng MBC.
Ayon sa aking bubuwit, ito ngayon ang nangyayari sa dalawang dating matalik na magkaibigang pulitiko.
Dati-rati ay talagang sobra pa sa pagiging matalik na magkaibigan ang dalawang pulitikong ito.
Inalagaan kasi ni Cabinet Secretary si governor noong ito ay bagito pa sa pulitika sa kanilang probinsiya.
Noong governor pa si Cabinet Secretary, vice-governor naman niya noon si babae.
At noong kumandidato sa mas mataas na posisyon si Secretary si babae ay pinakandidato naman na governor.
Dahil magaling naman at malakas ang karisma ng lady official, siya ay nanalong governor.
Ang malungkot na pare, natalo si Cabinet secretary.
Ayon sa aking bubuwit, dalawang beses kumandidato sa pagka-senador ang mentor ni lady governor subalit parating hindi sinusuwerte.
At ngayong nalalapit na naman ang eleksiyon, dahil walang mapuntahang iba si Secretary, siya ay kakandidato na lamang bilang gobernador.
Ang problema, meron pang isang terminong natitira kay gobernadora kaya ayaw namang umalis siyempre sa kanyang puwesto.
Ang resulta, sila ngayon ang maglalaban sa darating na eleksiyon.
Napakahirap yatang maglaban ang dating may magandang pinagsamahan ano.
Paano yan, maglalabasan din kaya sila ng kanya-kanyang baho.
Magsisiraan kaya silang dalawa tulad sa mga magkakalabang pulitiko?
Ayon sa kampo ni Mr. Secretary, masyado nang lumaki ang ulo ng gobernadora.
Upang turuan diumano ng leksiyon, lalabanan ngayon ni Mr. Secretary ang gobernadora na higit pa sa matalik na magkaibigan ang pagsasamahan noon.
Ayon sa aking bubuwit, ang Cabinet secretary at gobernadora na nagbabangayan na ngayon
At nakahanda nang maglaban sa pagka-governor sa susunod na eleksiyon ay sina
Siya ay sina Agrarian Reform Sec. Roberto Pagdanganan at Bulacan Gov. Josie dela Cruz.