^

PSN Opinyon

Wala nang makapipigil sa buwenas ni video karera king Buboy Go

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
HINDI pa nga nakauupo bilang hepe ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) si Dir. Enrique ‘‘Ike’’ Galang, eh inaanay na siya ni Manila video karera king Buboy Go. Kasi nga mga suki, habang inaabangan ng lahat ang pilit na pag-upo ng Palasyo kay Galang sa NCRPO, may mga kalalakihan naman na nag-iikot sa Metro Manila para ianunsiyo ito at gapanging makapag-expand ng negosyo si Buboy Go nga. Ayon sa mga alipores ni Buboy Go, balak nilang ‘‘pumasok’’ sa area ng Southern Police District (SPD) kapag natuloy nga si Galang sa NCRPO. Kaag nagsanib ng puwersa sina Galang at Go tiyak milyun-milyon ang kikitain nila di ba mga suki? Pero kung si Go ay hayagang nakapag-operate sa kaharian ni Manila Mayor Lito Atienza, ganoon din kaya ang bagsik ng koneksiyon niya sa mga mayor sa southern Metro Manila? He-he-he!

Hindi tayo kukurap sa problemang dulot ng video karera ni Buboy Go mga suki. Kung sabagay, sinabi ng Manila’s Finest na talagang wala nang makapipigil sa buwenas ni Buboy Go dahil maluwag din ang mga kamay nito. Kasi nga sa buong Metro Manila na, si Buboy Go ang may pinakamalaking binibigay na porsiyento sa locator ng mga puwesto sa video karera kaya’t ang halos lahat na may alam sa naturang ilegal na sugal ay lumalapit sa kanya. Sinabi ng Manila’s Finest na kinse porsiyento ang bigay ni Buboy Go sa mga locator kaya’t marami ang nagkandarapa para ihanap siya ng puwesto. Ang ibang video karera financiers kasi tulad nina Arnold Ajesta. Randy Sy at mga alyas Sacho at Neri ay 12 porsiyento lang ang bigay. Eh kung galante si Buboy Go sa mga locator eh di lalo na sa opisina ni Mayor Atienza at mga kapulisan natin, di ba mga suki? he-he-he! Ang suwerte talaga nila no?

Kaya habang nag-iingay sina Eddie Manalastas, Tikboy Garcia at Boy Pineda ukol sa pag-upo ni Galang sa NCRPO, aba panay din kumbinsi nila ng mga kakilala nila sa SPD para makapasok nga itong mga video karera ni Buboy Go. At tiyak gagawa ng paraan ang mga financiers ng VK sa SPD para hadlangan ang ma-itim na balak ng grupo ni Manalastas, di ba mga suki? Pag nagkataon kasi, kakainin din sila ni Buboy Go dahil malaki itong magbigay ng intelihensiya. Alam kaya ni Galang itong pagisa ng grupo ni Manalastas sa pangalan niya kay Buboy Go? Kawawang Galang, hindi pa nga inaanunsiyo ng Palasyo ang kanyang promotion sa NCRPO, eh inaanay na ang pangalan niya ni Buboy Go. Ang payo ko kay Gen. Galang, unahin niyang pagsisibakin ang makina ni Buboy Go kapag natuloy ang balak sa kanya ng Palasyo. Tiyak may iiyak at hindi lang si Buboy Go kundi pati mga alipores niya, di ba mga suki?<

vuukle comment

ARNOLD AJESTA

BOY PINEDA

BUBOY

BUBOY GO

EDDIE MANALASTAS

GALANG

KASI

METRO MANILA

PALASYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with