^

PSN Opinyon

DOTC Sec.Mendoza,take note (Part 4)

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
TATLONG Biyernes na ang nakararaan nang magpulong ang mga bugok na Customs sa isang restaurant sa Subic.

Balak kasi ng grupong aregluhin ang mga kuwago ng ORA MISMO porke nabulabog ang kanilang illegal operations.

Ika nga, nagtalunan ang mga bugok na contact nila sa LTO at Subic Customshouse.

Nag-meeting sina Lt. Polipoly, ang tinaguriang The Bagman, si Kuya Ver, ang amo ng una at si Ric Water, ang nagtutubig-tubig na utak ng sindikato sa Subic Customhouse.

Nabulabog ang kanilang operasyon porke nakapa sila ng mga kuwago ng ORA MISMO sa mga katarantaduhan nila dahil ibinubulsa nila ang pitsa para sa gobyerno.

Million of pesos ang nadale ng grupo ni Ric Water, ang nagtutubig-tubig na gago diyan sa Subic, dahil sa tindi at lalim ng operasyon nito.

Kaya malaking pitsa ang nadale nila sa gobyerno.

Akalain mo pati si Kiam Bow, ng LTO sa main office ay nakurap ni Ric Water. P80,000 daw kasi ang para kay Kiam Bow kapag may minadyik silang kotse.

Kaya kasi gawin ng grupo ni Ric Water ang kambal plaka ng isang kotse.

Ika nga, the same number ng plaka sa iisang sasakyan.

Napepeke ng grupo ni Ric Water ang lahat ng dokumeto sa LTO porke matindi ang koneksiyon nila rito.

Tatlong galisin na pawang taga-Bulacan ang tirador ni Ric Water sina Jun, Maryann at Loyd.

Noong nakaraang linggo ay nakausap natin si TMG bossing Danilo Mangila hinggil sa isyung ito at sinabi niyang may imbestigasyon ang kanyang tanggapan sa grupo ni Ric Water.

Pero sangkatutak pala ang padrino ni Ric Water sa gobyerno dahil ang dami raw nitong pitsang pantapal sa mga bugok.

‘‘Sa Customs nag-uumpisa ang transaksyon ni Ric Water,’’ sabi ng kuwagong urot.

‘‘Si Lt. Polipoly kasi ang koneksyon niya rito kaya napepeke nila ang lahat ng dokumentong gusto nilang madyikin,’’ anang kuwagong Kotong cop.

‘‘Nakapatong kasi kay Lt. Polipoly ang isang Kuya Ver, matigas daw ito sa BOC pekadores din ito,’’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Alam mo bang ginagamit ng grupong ito ang pangalan ni Mikee at Kuya Mike para mapabilis ang kanilang operasyon sa Subic Customshouse?’’

‘‘Kaya pala matatag at walang kinatatakutan.’’

‘‘Kulang sa espasyo ang Chief Kuwago kaya sa Martes na lang natin ikukuwento ulit.’’

CHIEF KUWAGO

DANILO MANGILA

KAYA

KIAM BOW

KUYA VER

POLIPOLY

RIC

RIC WATER

SUBIC CUSTOMSHOUSE

WATER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with