^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Balik-SARS: Mag-ingat

-
HINDI pa tapos ang pananalasa ng Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) kaya dapat ipagpatuloy ng pamahalaan ang pag-iingat at pagmomonitor sa killer pneumonia virus. Sa ibang bansa dito sa Asia ay may mga bagong kaso ng SARS na naireport. Noong Lunes, inireport na positibo sa SARS ang isang pasyente sa Singapore.

Sinasabing ang ikalawang pananalasa ang mabagsik at sino ang makapagsasabi na baka maraming maapektuhan ng sakit na ito kung patuloy ang maluwag na pagdaloy ng mga dayuhan sa airport. Maaaring marami na ang makapasok sa bansa na may taglay na virus at huli na para ma-detect. Sa sobrang luwag sa airport, hindi kataka-taka kung makapasok, hindi lamang ang mga infected person kundi pati mga terorista. Kung ang mga terorista ay mabilis na nakapapasok sa bansa, paano pa ang mga taong infected ng killer virus.

Sinabi ni World Health Organization (WHO) director general Lee Jong-Wook na nagbabanta ang muling pananalasa ng SARS at hiniling niya na maging alisto sa pag-surveillance sa nasabing sakit. Nagsalita si Lee sa ika-57 session ng WHO. Sinabi pa niya na ngayong nalalapit na ang tag-lamig, maaaring magkaroon ng confusion sapagkat sa panahong ito madalas magkaroon ng lagnat at ubo na karaniwang ipinagkakamali sa SARS. Ang pagkakaroon ng mataas na lagnat ang isa sa mga sintomas ng SARS.

Ang unang kaso ng SARS ay naitala sa Southern China noong November 2002. Mabilis na kumalat ang virus sa may 30 bansa kabilang na ang Pilipinas. Gayunman, dahil sa kampanya ng pamahalaan, hindi ito ganap na nakapanalasa. Ganoon man, nagbigay ng takot sa mga taga-Bgy. Vacante sa Alcala Pangasinan, makaraan silang i-quarantine dahil sa pagkamatay ng nurse na nakakuha ng SARS sa Canada. Positibong namatay din sa SARS ang ama ng nurse.

Hindi na dapat makabalik dito sa bansa ang SARS kaya kailangang maging doble ang ingat. Kawawa naman ang taumbayang bugbog-sarado na sa katiwalian at kahirapan, kung mapipinsala pa ng salot na SARS.

Ipatupad ang paghihigpit sa airport at ang iba pang maaaring pagdaanan ng mga taong maaaring infected ng SARS. Kung nagawa noong maghigpit, bakit hindi ngayon. Magsagawa ang Department of Health ng lubusang kampanya para maiwasan ang pag-atake ng SARS.

ALCALA PANGASINAN

DEPARTMENT OF HEALTH

LEE JONG-WOOK

NOONG LUNES

SARS

SEVERE ACUTE RESPIRATORY SYNDROME

SINABI

SOUTHERN CHINA

WORLD HEALTH ORGANIZATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with