^

PSN Opinyon

Supts.Laciste at Yabut ibig 'ikahon' ni Matillano

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
PURSIGIDO talagang ikahon ni Dir. Eduardo Matillano, ang hepe ng CIDG sa Camp Crame, ang 15 operatiba ng Anti-Drugs Special Operations Task Force (AID-SOTF) na inakusahang nangupit ng 50 kilo ng shabu noong ni-raid ang shabu laboratory sa Tanza, Cavite noong July 25. May isang team kasi ng CIDG agents na pinangungunahan ng isang Supt. Valeriano na namasyal sa Barangay Capipisa noong Martes ng gabi at hinanap ang mga witnesses ng kampo nina Supts. Federico Laciste at Nelson Yabut, mga team leader ng AID-SOFT. Dinala ni Valeriano sina chairman Arch Angelo Matro at tatlong kasamahan sa munisipyo at pilit na pinabaligtad sila sa kanilang testimonya na walang naganap na nakawan sa isinagawang raid nga. Hindi natin alam mga suki kung nagtagumpay, ang team ni Valeriano. He-he-he! Pwedeng kasuhan ng obstruction of justice si Valeriano, di ba mga suki?

Hindi naman nagrereklamo ang grupo nina Laciste at Yabut at sa katunayan ay gusto nilang magpa-imbestiga para nga malinis ang pangalan nila. Subalit kung itong mga nakaraang aksiyon ni Matillano ang gagawing basehan, mukang nagpre-judged na niya ang kaso nitong kanyang mga tauhan. Para sa kaalaman n’yo mga suki, sina Laciste at Yabut at ilan pa na naakusahan sa Tanza ay naka-assign sa CIDG at naka-loan lamang sila sa AID-SOTF na pinangungunahan ni Dep. Dir. Gen. Edgar Aglipay. Alam naman ng lahat sa Camp Crame na si Matillano ay may ambisyon na maging PNP chief kaya patay ang 15 pulis kapag nagkataong nasungkit niya ang kanyang ambisyon. Sa takbo ng kaso sa ngayon, mukhang makakalaboso ang grupo nina Laciste at Yabut at goodbye na lang sa tinatawag na due process. Ano ba ’yan?

Nagmungkahi naman ang ilang opisyales ng pulisya na nakausap ko na para hindi maakusahang may kinikilingan si Matillano, dapat ang lahat ng sumbong laban sa kanyang mga tauhan ay kanyang pa-imbestigahan. Katulad ng sumbong na ‘‘shakedown’’ laban sa mga personalities na iniimbestigahan ng CIDG ukol sa utos ni President Arroyo na ‘‘lifestyle’’ check. At hindi lang yan. Pati ang grupo na walang humpay kung mangolekta sa jueteng ay dapat din niyang tuklasin kasi sa problemang ito dawit din ang kanyang pangalan, di ba mga suki? Kung sabagay, may ulat na si Matillano at sina First Gentleman Mike Arroyo at anak na si Mikey ang magiging tampok sa susunod na expose ni Sen. Ping Lacson sa Senado at malalaman na rin ng sambayanan ang baho ng CIDG, di ba mga suki? At kapag napatunayan na may uling na rin sa mukha itong si Matillano, tiyak mauunsiyami ang kanyang pangarap na PNP chief nga.

ARCH ANGELO MATRO

BARANGAY CAPIPISA

CAMP CRAME

DRUGS SPECIAL OPERATIONS TASK FORCE

EDGAR AGLIPAY

LACISTE

MATILLANO

VALERIANO

YABUT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with