^

PSN Opinyon

Ba't hindi kayang sitahin ni Mayor Atienza si Supt.Martinez ?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
UMAARAY pala si video karera king Buboy Go kapag pati address ng puwesto ng kanyang makina ay ibinubulgar ko. Ang gusto ni Buboy Go kahit tirahin man siya araw-araw ay huwag lang ilagay ang address ng makina niya dahil mapapahiya si Manila Mayor Lito Atienza at ang mga kapulisan kung saan nakapuwesto ang mga ilegal niya. Kaya kayo mga suki, kapag nagsumbong kayo laban kay Buboy Go, isama sa listahan o isulat n’yo sa akin pati ang lugar kung saan namumugad ang makina ni Go at hayaan natin siyang umaray nang umaray para naman magkaproblema rin siya. Hindi naman kasi puwede na palaging masaya lang siya, di ba mga suki?

Pero maliwanag mga suki na sobra talaga ang lakas ni Buboy Go dahil kahit pati address ng makina niya sa Paltoc, Sta. Mesa ay aking ibinulgar, eh hindi naman niya iniligpit ang mga ito. Maliwanag na pang ‘‘photo-ops’’ lang ang ginawang pagpakumpiska ni Mayor Atienza sa dalawang makina sa Sta. Ana noong mga nakaraang araw, di ba mga suki? At bakit hindi kayang sitahin ni Mayor Atienza si Supt. Manolo Martinez, ang hepe ng WPD Station 4? May kinikilingan din pala si Atienza. Hindi parehas ang takbo ng utak niya, anang Manila’s Finest. Pweee!

Para sa kaalaman ni Atienza, ang ginawa lamang ni Martinez sa exposé natin sa puwesto ni Buboy Go, ay iniutos niya na itaas sa mga bahay ang mga makina. Hayun, hitik ng tao ang mga bahay nina Jonjon Vericio, sa 3479 Interior 9; Adelaida dela Cruz sa 3479 Interior 13, Bobby Ganadin sa 3479 Interior 31 at Mila Nosis sa 3479 Interior 34, lahat sa Paltoc nga. Kapag nasira ang bahay na kinalalagyan ng makina ni Buboy Go, ipapagawa niya kaya ang mga ito? Mautak din si Martinez at tiyak napaglalangan na naman niya si Mayor Atienza.

Kung umaaray si Buboy Go, ganoon din kaya kapag ang mga address ng mga kabo ni Tony Santos, ang jueteng king ng Metro Manila na nakabase sa Marikina City ay ibubulgar ko. Subukan natin mga suki at tingnan natin kung aaksiyunan ni Mayor Atienza na bulag, pipi at bingi kapag bata niya, tulad ni Martinez, ang pag-uusapan. Ang malaking kabo pala ni Santos sa Sta. Mesa ay itong si Ruben Cunanan na nakatira sa 3500 F. Buenos Aires St. Alam ni Martinez ang address na ito dahil palaging nakikita doon ang kolektor niya, anang mga pulis na nakausap ko. Ang iba pang kabo ni Santos ay sina Rogelio Escoto ng 3556 Buenos Aires St., Marilou Alzate ng 3402 West Vigan St., Alice Lainez ng 3484-H West Vigan St., Sosima Dicolen ng 505-Q Mindanao Ext.; Estelita Jolo ng 633-E Domingo Santiago St.; Rose Cunanan ng 633-I Domingo Santiago St.; Mining Vericio ng 3479 Interior 9 Paltoc St.; Lydia Gonzales ng 3479 Interior 13 Paltoc St., at Merly Axibal ng 426 Paltoc St. O hayan, tiyak mag-uunahan ang ahensiya ng pamahalaan natin para habulin ang mga kubrador ni Santos, di ba mga suki?

Pero kung gagawin nating basehan ang video karera ni Buboy Go, tiyak hindi rin gagalaw si Martinez laban kay Santos. Mapupurnada kasi ang lingguhang kita niya, anang Manila’s Finest na nakausap ko. Kung sabagay, baka basbas lang ni Mayor Atienza ang hinihintay ni Martinez bago niya itaas ang mga kamay niya laban kina Buboy Go at Tony Santos, di ba mga suki? He-he-he! Kawawang Manilenyo.

ALICE LAINEZ

ATIENZA

BOBBY GANADIN

BUBOY

BUBOY GO

MAYOR ATIENZA

NIYA

PALTOC ST.

TONY SANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with