^

PSN Opinyon

3 Cabinet member at 3 senador gustong mag-endorso ng gamot nang walang bayad

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang tatlong Cabinet member at tatlong senador ang gustong mag-endorso ng produkto kahit wala silang bayad?

Ayon sa aking bubuwit, 112 days na lang at Pasko na.

Happy birthday muna kay Bro. Rodrigo Diapana, Ishmael Lapira, Juan Angelo Nebres, Joe Lambio, Ed Apacible, Ghia Kristina Idquival at sina Rey at Ligaya dela Cruz.
* * *
Alam n’yo bang tatlong Cabinet official at tatlong sikat na senador ang nag-alok ng kanilang sarili sa mga drug companies para mag-endorso ng gamot?

Ilan sa kanila ang nakipag-usap sa mga executive ng ilang drug companies upang mag-endorse ng kanilang mga produkto. Maniniwala ba kayo na kahit libre ay pumapayag ang mga pulitikong ito na mag-endorse ng gamot?
* * *
Ayon sa aking bubuwit, dahil naging effective noon sa kandidatura nina dating Defense Secretary Orly Mercado at Sen. Juan Flavier ang pag-endorso ng mga produkto, gusto ngayong gayahin ng ilang pulitiko upang magkaroon ng recall sa kanilang pangalan.

Mas madali kasi silang matandaan ng mga botante kapag madalas silang nakikita sa mga advertisement.

Yun ngang iba diyan eh, nagbabayad pa ng mga cameramen o nakikiusap pa sa mga PBA officials para madaanan man lang sila ng camera kapag nanood sila ng basketball game sa PBA.

Ayon sa aking bubuwit, dahil sa ginawang endorsement ni Sen. Flavier sa isang uri ng gamot, marami ang naiinggit sa kanya. Tumaas ang kanyang popularity rating matapos mag-endorso ng gamot.

Sikat na siya noong siya ay Health Secretary pero nadagdagan pa ang kasikatan niya dahil sa kanyang pamosong "Bawal Magkasakit."
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang ilan sa mga pulitikong nakiusap sa ilang opisyal ng isang drug company para mag-endorso o gawing model sa kanilang mga produkto ay sina...

Naiinggit ba sila kay Sen. Flavier, Sen. Loren Legarda, Sen. Ping Lacson at Mareng Winnie Monsod?

May napagbigyan at meron namang hindi sapagkat tinitingnan din naman kasi ang credibility ng isang tao bago mag-endorse ng produkto.

Ayon sa aking bubuwit, ang mga nakiusap sa isang drug company para mag-endorse ng gamot ay sina...

Kinabibilangan sila ng tatlong senador at tatlong Cabinet member.

vuukle comment

AYON

BAWAL MAGKASAKIT

DEFENSE SECRETARY ORLY MERCADO

ED APACIBLE

FLAVIER

GHIA KRISTINA IDQUIVAL

HEALTH SECRETARY

MAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with