^

PSN Opinyon

Weder weder nga ba?

HALA BIRA - Danny Macabuhay -
INIS na ang mamamayan sa mga nangyayari sa bansa. Wala nang ginawa ang mga pulitiko, kundi ang pamumulitika, mag-awayan, mag-siraan at mag-pormahan sa halip na magtulungan at magkaisa.

Noong panahon ni dating Presidente Erap Estrada, sumikat ang kasabihang weder-weder lamang. Kung tutuusin, totoo ito hindi lamang ngayon kundi noon pang mga nakaraang panahon. Di nga ba ganito ang kalakaran ng pulitika dito sa Pilipinas? Ang masama sa weder-weder ay ang pagpipilit na makabalik na muli sa kapangyarihan ng mga pulitikong nawala sa puwesto. Kung kaya’t nagkukumpul-kumpol ang mga ito upang siraan at pasamain ang mga nakaupo. Gagawin ang lahat ng mga ito upang mapatalsik ang mga namamayaning pulitiko nang sa ganoon ay sila naman ang maluklok.

Tingnan na lang ang mga dating senador na sina Juan Ponce Enrile at Francisco Tatad. Wala na namang tigil sa kakaputak at inaatupag kundi pasamain ang kasalukuyang administrasyon na akala mo ay sila na lamang ang pinakamahusay at pinakamabuting tao. Nais na namang pumapel upang makabalik sa kapangyarihan.

Subalit ang hindi ko maintindihan ay ang mga senador at congressman na kahit na sabihin pang hindi kapartido ng kasalukulyang administrasyon ay kailangang siraan at palubugin. Bakit hindi na lamang magtulungan sa ikabubuti at ikasasaayos ng bansa? Kayo rin, baka hindi na dumating ang inyong weder.

BAKIT

FRANCISCO TATAD

GAGAWIN

JUAN PONCE ENRILE

NOONG

PILIPINAS

PRESIDENTE ERAP ESTRADA

SUBALIT

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with