^

PSN Opinyon

Jose Pidal

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
MAGANDANG araw sa yo Ginoong JOSE Pidal, saan man ho kayo ngayon sana ho na-eenjoy ninyo ng husto yung mga deposito ninyo, kasi naman ho mukhang in demand kayo ngayon at ang sambayanang Pilipino ay sabik na sabik na kayong makilala.

Señor JOSE Pidal, sa dami ho ng pera ninyo, nakaka-afford pa kayo ng financial consultant sa Morgan Stanley at tiyak dolyar ang binabayad  niyo, lakihan niyo naman ang kontribusyon niyo sa Kardinal SIN.  Nakita niyo naman nakakabingi ang katahimikan.

Tulungan niyo rin ang mga nangangailangan na nagtutungo sa LTA Bldg. sa Perea st. Makati.  Para mabawasan ang problema ni Unang Ginoo JOSE Miguel Arroyo at bumango siya sa publiko.

Mr. JOSE Pidal, huwag niyo siyang pabayaan.  Ayaw ho naming isipin na wala kayong utang na loob at di kayo marunong makisama. Iisa ang address ninyo, malamang nga nakigamit  pa kayo ng opisina kay First Gentleman,  pareho kayong Morgan Stanley ang financial adviser, pareho pa kayong sa Union Bank nag dedeposito.  Tukayo pa kayo, pareho  kayong JOSE, dapat nga barkadahin niyo rin si JOSE Velarde.

Sabi nga ng isang text message na natanggap ko at gusto kong tanong sa inyo: Lahat raw kayo  galing  sa  Ateneo. Ang Unang Ginoo  JOSE Miguel Arroyo, dating Pangulong JOSEph Estrada, JOSE Velarde at ngayon ang sumisikat na si JOSE Pidal, lahat Atenista. Galing galing niyo naman, lahat kayo galing duon sa school ng idol ko na si WOW Philippines Dick Gordon.

Nakakatuwa nga, kasi apat kayong JOSE pero dalawa sa inyo masyadong mahiyain, ayaw  lumantad. Low profile masyado si JOSE Velarde at kayo Ginoong JOSE  Pidal.

Huwag na huwag rin ho kayong lilipad ng Hong Kong  na may dala kayong mahiwagang bag, iwan niyo na lang rito at pamahagi  natin sa lahat ng gustong  humingi ng tulong kay Ginoong  JOSE Miguel Arroyo.    Tiyak kasi ngayon lalong  dadami ang pipila  sa upisina ng katokayo mo.

Dagdag pa hong payo kung puwede Ginoong JOSE Pidal, maaari ho ba invite nyo rin ang media sa office niyo, kasi  si Unang Ginoo  JOSE Miguel Arroyo ginawa na yun, pinasyal niya po ang media  sa 8th floor LTA Bldg.  Kayo ho ba saang floor kayo roon, sana nga magkatabi kayo  ng office at di lang parehong gusali,  para  lalo kayong maging close,  sama niyo naman ako.

Curious kasi ako kung ano meron dyan, sabi ni Sen. Ping Lacson magandang Feng Shui dahil maraming mayayaman at malaking bank account diyan, sabi naman ng super beauty na si Rep. Imee Marcos ay dapat  ma-exorcise, yun bang paalisin ang mga masamang spirit.  Dami talagang  MAHIWAGA diyan, MAHIWAGANG BAG, MAHIWAGA ang mala higanteng vault, promise ha sama niyo  ako. MAHIWAGANG account.

Mabuti pa kaya pa open house n’yo na lang  isang araw, tiyak daming papasyal pati turista, sasaya pa si Dick  Gordon,  may bagong tourist spot, lagyan pa natin LIGHT AND  SOUND MUSEUM sa loob nito. O di ba WOW PHILIPPINES na MORE THAN THE USUAL PA.  
* * *
Ngayon text messages o emails uli tayo, pakiusap lang ho, wala hong salitang bastos, tyaka di natin kaya ilabas lahat, sobrang  dami, plano ko nga maglagay ng web site tapos  lahat puwedeng ilathala ruon, problema lang uutang muna ako. Hanapin  ko muna si JOSE Pidal o si JOSE Velarde.

2too yan expose ni  Sen. Lacson at halos lahat ng pilipino  ay naninwala. –09195541458; alam nyo totoo yan c  mike arroyo at jose padyak  iisa. –09165751431; pki check nga  po  sbi ng meralco wala n ang PPA wala n nga pro kng  ano2 charges nman pnalit nla itemized n PPA lng yun. –09174357628; syempre nlinis muna ni incredible hulk ang opisna salta bago pakita sa media. Sayang tong si patricia bunye roxas. –09208035883;

Dapat unahin muna n gma ung kanyang asawa  s graft and corruption  para pnwalaan cya ng tao. –09202231547;  Sen. Lacson nman bkit mo p cnita  ang  FG, he’s doing it 4 d future of lilttle MICAELA, rmember? –09197856942; sinungaling kayo mike, karma na ang  dumarating sa inyo, hntayin n lang nyo ang oras kung wala na kayo dyan. –09207597611; karma  na   ni arroyo ang nangyayari ngaun.  Problema, ang mga maliliit ang laging kawawa, mag resign na sya. –09178988232.

Naniniwala  po  ako  na si FG Arroyo  ang Jose Pidal at ngayon po  sana ay gumising na ang ating mga kababayan sa ginagawa ni GMA. Pati po pondo namin sa OWWA ninakaw na rin. –[email protected]; Kung hindi totoo iyong ibinulgar ni Sen. Lacson bakit hindi kumikilos si Madam Edsa President. Para sa akin dahil sa Edsa naging President kaya dapat Edsa President, dahil hindi  naman halal ng Masa. Baon  na tayo  sa utang, luklukan na tayo ng kahirapan, sana iisipin ni  Edsa President na talagang hindi niya kaya. – [email protected]

Malakas ang loob ni  m Arroyo na ihain sa kurte  ang kaso nya kc  hawak nila ang buong hukuman. –09223109984; tama yan lacson, akala cguro ni gma lusot n cla sa mga corruption  ng gobyerno nya. –09189291238; hay naku puro pagtataray ang gnagawa ni gma ngayon taong bayan nman ang magtataray sa yo sa pgtatago ng asawa mo ng nakaw na pera ni jose pidal este mike arroyo. – 09176285352.

Dapat pag kurap patayin.  Dnt put them in jail, walang mangyayari  dyan. NPA saan kayo. –+13109516845; style ni  lacson  at fg arroyo mga ebidensya  niyo pang media lng d pang korte. Mga style nyo  bulok. –09162822567
* * *
Para sa ano mang reaksyon, mag-e-mail lang sa[email protected] o kaya’y magtext sa  09272654341. Mapapakinggan  n’yo rin ang inyong lingkod sa DZEC 1062 mula 4:30 hanggang 6:00 ng hapon tuwing Lunes at Miyerkules.

vuukle comment

ARROYO

GINOONG

JOSE

KAYO

KAYONG

MIGUEL ARROYO

NIYO

PIDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with