^

PSN Opinyon

Maynila 'killing fields' na Patay!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
ABOT-LANGIT na ang propaganda na ginagawa ni Mayor Lito Atienza para isulong ang Maynila subalit nasisira dahil sa sunud-sunod na patayang naganap na ikinasawi ng isang abogado at barangay chairwoman nitong mga nagdaang araw. Kaya’t itong Maynila ni Mayor Atienza na tinatawag na ng mga residente na pugad ng bookies at video karera ay binansagan sa ngayon na ‘‘killing fields’’ na. At kung ang mga naglalabasang balita ang gagawing basehan, mukhang talamak na ang krimen sa Maynila at ang tanong ng mga residente, ‘‘Nasan ang kapulisan natin?’’ Imbes na ‘‘Buhayin Ang Maynila’’ na campaign slogan ni Atienza, ayon sa mga residente, dapat daw itong palitan na, ‘‘Patay ang Taga-Maynila.’’ Ano ba ’yan? He-he-he! Puwede kayang titulo sa sine ’yan?

May katwiran ding maalarma ang taga-Maynila dahil sa magkasunod na ambush-slaying na ikinamatay ng abogadong si Franklin Tamargo noong nakaraang Biyernes at ang barangay chairwoman na si Luzviminda Pimentel ng Binondo noong Linggo. Maraming anggulo ang lumulutang ukol sa motibo sa pagpatay sa dalawa pero ang katiyakan lang wala pang suspects ang mga tauhan ni Chief Supt. Pedro Bulaong, ang hepe ng pulisya ng Maynila. At ang pangamba ng mga kamag-anak ng dalawang biktima, mukhang mababaon sa limot ang kaso nila dahil iba ang interes ni Atienza. Dahil abala si Atienza sa mga proyekto niya tulad ng road-widening ng Avenida at ang pagpapaganda ng seawall sa Roxas Blvd. na kinaiinisan ng mga taga-Maynila, lalo na ang mga mahihirap na sa tingin nila naisangtabi na ang kinabukasan nila. Kawawang Manileño!

Kung sabagay, may dahilan para maghinagpis ang mga Manileño ukol sa nagkawindang-windang na peace and order sa lugar nila. Maraming ambush na ang nangyari sa Binondo nitong panahon ni Atienza at may nalutas ba ang kapulisan natin? Tanong nila. Isama na natin ang pag-ambush sa opisyal ng Bureau of Customs sa Port Area na ikinamatay ng driver niya. Hindi na mabilang ang patayan sa Maynila kaya’t angkop lang na tawagin itong ‘‘Killing Fields’’ sa ngayon, anang mga residente na nakausap ko. Pero maganda naman ang Maynila ah, di ba mga suki?

At dapat sagutin ni Bulaong ang katanungan ng mga residente na, ‘‘Nasaan ang Kapulisan natin.’’ Ipinagyayabang kasi ni Bulaong ang police visibility niya pero mukhang hindi ito epektibo kung ang pag-ambush kina Tamargo, Pimentel at opisyal ng Customs ang gagawing basehan. Pero sa tingin naman ng maraming WPD officials, hindi nagkulang itong liderato ni Bulaong para maaresto ang mga salarin. Nagkataon lang siguro na inaalat sila sa ngayon at hindi nila malutas-lutas ang mga kasong nabanggit ko. He-he-he! Iwas pusoy din ang opisyal ng WPD na nakausap ko, no mga suki?

Pero ayon naman sa mga residente na nakausap ko, kaya hindi maaktuhan ng mga kapulisan itong mga ambushers eh wala sila sa kalye dahil abala sila sa pagkolekta ng lingguhang intelihensiya sa mga gambling lords tulad nina Oscar Simbulan alyas Boy Abang at Buboy Go, ang hari ng pa-bookies sa karera at video karera sa Maynila. Aantayin pa kaya ni Atienza na dadami ang bilang ng patay sa Maynila bago siya kumilos? Hindi naman siguro, di ba Mayor Atienza Sir?

ATIENZA

BINONDO

BOY ABANG

BUBOY GO

BUHAYIN ANG MAYNILA

BULAONG

BUREAU OF CUSTOMS

MAYNILA

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with