^

PSN Opinyon

Guwapo at kilalang businessman,nagladlad na!

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang miyembro na pala ng "federacion" ang isang kilalang businessman?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday kay Rep. Manoling Ortega ng La Union; DOTC Usec. Rolly Reyes, DPWH Dir. Pepe Rigor, Myrna Macalma, Ms. Cory Quirino, Mayor Lloyd Antiporda ng Buguey, Cagayan; Vice-Mayor Chito Manubay at Dr. Noel Erabagon ng Lipa City.
* * *
Maniniwala ba kayong bumigay na pala ang isang guwapo at machong businessman?

Ayon sa aking bubuwit, marami ang nagulat sa pagbabago sa buhay ng negosyanteng ito.

Dati-rati kasi, macho siya, pero ngayon, pumipilantik na ang kanyang mga daliri.

Yung pagiging macho niya noong araw ay napalitan na ng pagiging mujer, feeling niya ay babae.

Sayang, ang ganda-ganda pa naman ng misis niya.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, marami ngayon ang nagugulat kay Businessman sapagkat bumigay na siya.

In short, nagladlad na ng kapa, miyembro na siya ng kapatiran ng mga bakla.

Ayon pa sa aking bubuwit, ang mga nakakapiling ngayon ni Businessman ay mga yuppies.

Yun bang mga tipong batang executives. Ito yung mga macho guwapitong mahilig sa golf.

Talagang talk-of-the-town na sa mga golfers si Businessman sapagkat kapag naglaro ito ng golf ay mga kabataang guwapo ang kasama niya sa flight.

Siya ay naka-helicopter pa ngayon kapag dumarating sa golf course.

Sayang naman si Businessman.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang guwapo at dating machong negosyante na bumigay na pala ay walang iba kundi si...

Siya ay mula sa kilala at mayamang pamilya sa lipunan. Ang kanyang misis ay mula rin sa pamilya ng mga mayayaman at pulitiko. Parehong kilala ang kanilang pamilya sa alta-sociedad.

Ang kanyang misis ay maganda, maputi, sexy at tsinita.

Sayang naman, napaka-bongga pa naman yung kanilang kasal noon na dinaluhan pa ng mga top government officials.

Ayon sa aking bubuwit, ang kilalang businessman na napapabalitang bumigay na at naging bakla na ay si...

Hindi naman baklang-bakla na nagsusuot na ng damit babae at nakikipag-agawan ng make-up sa kanyang misis.

Siguro ay maka-classify natin sa grupo ng mga AC-DC.

Siya ay si Businessman G. as in Girlie.

vuukle comment

AYON

BUSINESSMAN

BUSINESSMAN G

DR. NOEL ERABAGON

LA UNION

LIPA CITY

SAYANG

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with