^

PSN Opinyon

Editoryal – Higpitang mabuti ang seguridad

-
NAG-RESIGN na si Intelligence chief Victor Corpus at inaasahan na ang kanyang pagbaba sa puwesto ay magkakaroon na ng pagbabago kaugnay sa paniniktik. Ang pumalit sa kanyang si Gen. Pedro Cabuay ay nararapat magpakita ng malaking kaibhan at malayung-malayo sa pinalitan niyang hepe.

Pagbutihin ang intellligence gathering lalo na at niyayanig na naman ng pambobomba ang mga katabing bansa ng Pilipinas. Isang car bomb ang sumabog sa JW Marriot Hotel sa Jakarta, Indonesia, noong nakaraang linggo at nagresulta sa pagkamatay ng 13 katao at pagkasugat ng 100 iba pa. Pawang mga foreigners ang mga casualty sa nasabing pambobomba. Hindi ito ang una sa pambobomba sa Indonesia. Noong October 2002, binomba rin ang Bali at may 202 katao na pawang mga Westerners ang namatay. Ang pambobomba ay kinondena nang maraming bansa, kabilang ang Pilipinas. Kagagawan ng mga terorista ang nangyaring pambobomba sapagkat walang ipinagkaiba sa estilo ng nangyari sa Bali.

Maaaring mangyari rin sa Pilipinas ang pambobomba at nararapat na hindi magningas-kugon sa seguridad ang mga awtoridad. Maaaring maulit ang pambobomba na katulad ng naganap noong Dec. 30, 2000 kung saan, limang magkakasunod na bomba ang sumabog. Marami ang namatay at nasugatan. Pinakamarami ang namatay sa LRT na pawang mga bata.

Dalawang terorista na ang naaresto sa pambobomba subalit nakatakas ang isa habang nakakulong sa Camp Crame noong July 14. Nakatakas si Fathur Rohman Al-Ghozi sa kabila nang mahigpit na seguridad. Nangangapa pa ang Philippine National Police (PNP) sa pagtakas ni Al-Ghozi. Si Al-Ghozi ay miyembro ng Jemmah Islamiyah (JI) na umako sa pambobomba sa Jakarta.

Doblehin ang seguridad sa pagkakataong ito. Pagalawin ang intelligence. Magmanman. Ang nangyari sa Jakarta ay hindi dapat mangyari sa Pilipinas. Higpitan ang seguridad sa LRT, airport, hotel at mga embahada. Ang pakikiisa ng mamamayan laban sa mga terorista ay lubhang mahalaga ngayon. Labanan ang terorismo na lumulumpo sa mundo.

Hindi dapat maging ningas-kugon sa pagpapatupad ng seguridad. Kapag pumaltos sa intelligence ang taumbayan ang laging talo. Sila ang napapatay nang walang kalaban-laban.

vuukle comment

CAMP CRAME

FATHUR ROHMAN AL-GHOZI

JEMMAH ISLAMIYAH

MAAARING

MARRIOT HOTEL

NOONG OCTOBER

PAMBOBOMBA

PEDRO CABUAY

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with