^

PSN Opinyon

Dalawa hanggang tatlong 'pokpok' ang gustong kapiling sa kama ni Congressman

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang dalawa hanggang tatlong chiching ang gustong makapiling sa kama ng isang congressman?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday kay Ltsg. Antonio Trillanes IV, Elmer "Bong" Labog ng KMU; Gie Catanyag ng Tanauan, Batangas; Monette Aviles ng Puerto Princesa; VW Elson Tayko at Bro. Tom Bautista.
* * *
Alam n’yo bang napakahilig pala sa mga starlet at prosti ang isang congressman?

Ayon sa aking bubuwit, super hilig talaga si Congressman sapagkat kung makipag-date ay hindi kuntento sa iisang chiching.

Isa o dalawang beses sa isang linggo kung makipag-date sa mga magaganda at seksing pokpok si Congressman. Siya ay meron palang "katayan" o condominium unit sa Quezon City. Doon niya dinadala ang mga ka-date na chiching.

At siya ay merong mga suking prosti.

Gamay na raw at may bonding na si Congressman sa tatlong prosti kaya ang mga ito ang regular niyang ka-date.

Hanep ka, Congressman. Ang tindi mo naman!
* * *
Ayon sa aking bubuwit, kung makipag-date si Congressman sa dalawa hanggang tatlong chiching ay magdamagan. Talagang umaatikabong romansahan. Overnight kung makipag-love-making sa tatlo.

Paano niya kaya ginagawa ’yon? Nagtatrabaho kaya siya o siya na lamang ang tinatrabaho?

Ayon sa aking bubuwit, ang suking prosti ni Congressman ay kinabibilangan ng dalawang morena at isang tisay. Paga-daisy nuebe anyos hanggang betty uno anyos ang edad at ang mga ito ay estudyante.

’Yung isang chiching ay estudyante sa University of the East, Manila. ’Yung isa ay sa AMA Computer College at ’yung isa naman ay sa Perpetual College.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang Congressman na dalawa o tatlo ang sabay-sabay na idini-date ay walang iba kundi si...

Siya ay mula sa kilalang pamilya ng mga pulitiko.

Ang kanyang ama ay dati ring pulitiko na kilala ring tsikboy. Ang nasabing kongresista ay walang iba kundi si Congressman... Binata pa siya.

Siya ay taga-Luzon. Siya ay si Congressman A.B. as in Ang Babaero.

vuukle comment

ANG BABAERO

ANTONIO TRILLANES

AYON

COMPUTER COLLEGE

CONGRESSMAN

CONGRESSMAN A

ELSON TAYKO

GIE CATANYAG

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with