Agarang rehabilitasyon ng mga historic light house sa bansa
August 4, 2003 | 12:00am
TINUNGO ng aming investigative team sa TV ang BITAG, ang Capones Island sa Zambales nitong nakaraang Biyernes.
Itoy upang makita ng aming grupo ang kalagayan ng isang light house (parola) na itinayo nung panahon pa ng mga kastila.
Napag-alaman namin na maraming historic light houses ang ating bansa na napapabayaan dahil sa kakapusan ng pondo ng ating pamahalaan.
Hindi sapat ang pondo sa ilalim ng Philippine Coast Guard (PCG) para maisagawa ang agarang rehabilitasyon na kinakailangan ng mga ito.
Isa sa mga solusyon sa problema ay adopt a light house proyekto ng Coast Guard Commander Rear Admiral Reuben Lista.
Kinakailangan lang ay kakayanang pinansiyal ng isang indibiduwal o negosyante na interesado sa proyektong ito. Dito maisasagawa ang rehabilitasyon alinsunod sa pamantayan ng PCG sa pamamagitan ng memorandum of agreement (MOA).
NAPAG-ALAMAN ng BITAG sa may bahagi ng Mindanao, binabaril ang ilang light house ng mga bandido.
Itoy sa pag-aakala na ang mga light houses ay mga monitoring equipment ng ating gobyerno.
May insidente rin kung saan ninakaw ang buong light house component (lantern equipment) at ang iniwan ay ang tore na lang.
Ayokong isulat ang halaga ng mga light house equipment sa kolum kong ito. Tulad ng mga specialized battery na ginagamit dito maging ang mga solar panels. Baka magkaroon pa ng ideya ang mga mapagsamantala.
Hangad ng BITAG maisakatuparan ang proyektong adopt a light house. Sa ganitong paraan lamang maisagawa ang agarang rehabilitasyon ng mga historic light house sa ating bansa.
Para sa inyong mga reaksiyon hinggil sa ating mga light houses nakahanda kaming ilathala sa espasyong ito.
Para sa mga tips, reklamot katiwalian, tumawag o mag-text sa mga numerong ito: 0918-9346417 at sa telepono 932-5310/932-8919. Makinig sa DZME 1530 Khz, Lunes hanggang Biyernes, 9:00-10:00 ng uma-ga. At panoorin ang BITAG sa ABC-5, tuwing Sabado, 5:00-5:30 ng hapon.
Itoy upang makita ng aming grupo ang kalagayan ng isang light house (parola) na itinayo nung panahon pa ng mga kastila.
Napag-alaman namin na maraming historic light houses ang ating bansa na napapabayaan dahil sa kakapusan ng pondo ng ating pamahalaan.
Hindi sapat ang pondo sa ilalim ng Philippine Coast Guard (PCG) para maisagawa ang agarang rehabilitasyon na kinakailangan ng mga ito.
Isa sa mga solusyon sa problema ay adopt a light house proyekto ng Coast Guard Commander Rear Admiral Reuben Lista.
Kinakailangan lang ay kakayanang pinansiyal ng isang indibiduwal o negosyante na interesado sa proyektong ito. Dito maisasagawa ang rehabilitasyon alinsunod sa pamantayan ng PCG sa pamamagitan ng memorandum of agreement (MOA).
Itoy sa pag-aakala na ang mga light houses ay mga monitoring equipment ng ating gobyerno.
May insidente rin kung saan ninakaw ang buong light house component (lantern equipment) at ang iniwan ay ang tore na lang.
Ayokong isulat ang halaga ng mga light house equipment sa kolum kong ito. Tulad ng mga specialized battery na ginagamit dito maging ang mga solar panels. Baka magkaroon pa ng ideya ang mga mapagsamantala.
Hangad ng BITAG maisakatuparan ang proyektong adopt a light house. Sa ganitong paraan lamang maisagawa ang agarang rehabilitasyon ng mga historic light house sa ating bansa.
Para sa inyong mga reaksiyon hinggil sa ating mga light houses nakahanda kaming ilathala sa espasyong ito.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended