^

PSN Opinyon

Pagkaing nagbibigay-buhay

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
ANG pagkain ay pangunahing pangangailangan ng tao. Alam ito ni Jesus, pagkat mula ng kanyang pagkabata, kinailangan niya rin ang pagkain. Basahin ang salaysay ni Juan sa Ebanghelyo sa araw na ito (Jn. 6:24-35).

Nang makita ng mga tao na wala na roon si Jesus, ni ang kanyang mga alagad, sila’y sumakay sa mga bangka at pumunta rin sa Capernaum upang hanapin si Jesus.

Nakita nila si Jesus sa ibayo ng lawa, at kanilang tinanong, "Rabi, kailan ka pa rito?" Sumagot si Jesus, "Sinasabi ko sa inyo: hinahanap ninyo ako, hindi dahil sa mga kababalaghang nakita ninyo, kundi dahil sa nakakain kayo ng tinapay at nabusog. Gumawa kayo, hindi upang magkaroon ng pagkaing nasisira, kundi upang magkaroon ng pagkaing hindi nasisira at nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Ibibigay ito sa inyo ng Anak ng Tao, sapagkat siya ang binigyan ng kapangyarihan ng Diyos Ama." Kaya’t siya’y tinanong nila,

"Ano po ang dapat naming gawin upang aming maganap ang kalooban ng Diyos?"

"Ito ang ipinapagawa sa inyo ng Diyos: manalig kayo sa sinugo niya," tugon ni Jesus. "Ano pong kababalaghan ang maipakikita ninyo upang manalig kami sa inyo? Ano po ang gagawin ninyo?" tanong nila. "Ang aming mga magulang ay kumain ng manna sa ilang, ayon sa nasusulat. Sila’y binigyan niya ng pagkain mula sa langit. Sumagot si Jesus, "Dapat ninyong malamang hindi si Moises ang nagbigay sa inyo ng pagkaing mula sa langit, kundi ang aking Ama. Siya ang nagbibigay sa inyo ng tunay na pagkaing mula sa langit. Sapagkat ang pagkaing bigay ng Diyos ay yaong bumaba mula sa langit at nagbibigay-buhay sa sanlibutan." "Ginoo," wika, nila, "bigyan po ninyo kaming lagi ng pagkaing iyon." "Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay," sabi ni Jesus "Ang lumalapit sa akin ay hindi na magugutom, at ang nananalig sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman."


Nabanggit ko sa itaas na kinakailangan ng tao ang pagkain upang mabuhay. Subalit sinasabi sa atin ni Jesus na ang pagkain ay hindi ang lahat-lahat. Kailangan natin ng tinapay, subalit kailangan din natin ang Salita ng Diyos. At sa iba pang bahagi ng Ebanghelyo, sinasabi rin sa atin na kailangan nating hanapin muna ang paghahari ng Diyos at ang lahat ng ating kinakailangan ay ibibigay sa atin.

Ang pagkain na isa sa pangunahing pangangailangan upang mabuhay ang tao ang siya mismong kasangkapan upang matamo ang buhay na walang hanggan.

vuukle comment

ANO

DIYOS

DIYOS AMA

EBANGHELYO

JESUS

PAGKAING

SUMAGOT

UPANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with