^

PSN Opinyon

Walang road sign kaya naaksidente

SERGIOSOHAN - SERGIOSOHAN Ni Sergio A.F. Apostol -
Lumabas kami ng girlfriend kong si Tricia ng gabing para sa aming first date subalit naaksidente kami. Habang minamaneho ko ang kotse, ‘di ko napansin na may portion po ng kalsada na kasalukuyang under repair. Ni walang babala o ilaw ang kinukumpuning kalsada at malalalim ang mga lubak.

Kaya naman naumpog si Tricia sa dashboard sa bigla naming pagkakalubak. Dumugo ang kanyang noo at kinailangan s’yang dalhin sa ospital.

Hindi sana nangyari ang aksidenteng ‘yon kung may road sign na under repair ang kalyeng ‘yon. Gusto kong managot ang mga kinauukulan sa negligence nilang ito.

Pero sino ang dapat kong panagutin? – Bobby Dela Paz, Makati City


Depende. Maliwanag na ang kontraktor na nagre-repair ng kalsada ay dapat kasuhan ng civil at criminal charges dahil sa sugat na tinamo ni Tricia. Bukod pa d’yan, maaari ring ihabla ang mga pabayang opisyales ng DPWH kung ang pangangasiwa ng nasabing repair ay nasa ilalim ng kanilang ahensya.

Bukod sa kontraktor na gumagawa ng road repair, ang local government unit na may kontrol at supervision sa road repair ay maari ring kasuhan at panagutin sa ilalim ng Article 2189 ng Civil Code kung saan nasasaad: Provinces, cities and municipalities shall be liable for damages, for the death of, or injuries suffered by, any person by reason of the defective conditions of roads, streets, bridges, public building and other public works under their control or supervision.

Kaya alamin mo, Bobby, kung anong kompanya at local government unit ang may hawak ng road repair sa kalsada kung saan kayo naaksidente. Sila ang dapat mong sampahan ng kaso.

BOBBY DELA PAZ

BUKOD

CIVIL CODE

DUMUGO

HABANG

KAYA

LUMABAS

MAKATI CITY

REPAIR

TRICIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with