SONA ng taumbayan
July 29, 2003 | 12:00am
MATAPOS nating pakinggan ang dinuktor na ulat sa bayan at magagarbong pangako (ULIT!) ni Señorita at ang mga sipsip at pambobolang reaksyon ng mga politiko, atin namang pakinggan ang tunay na kalagayan ng bayan ayon sa ibat ibang sektor ng lipunan:
MAGSASAKA: Wala na kaming kita. Imported ang bigas, mais, asukal, manok, baka at pati prutas.
MANGGAGAWA: Wala nang makain ang aming pamilya. Di lamang presyo ng galunggong at sardinas ang tumaas, bigas tataas rin, pati instant noodles nagmamahal na lumiliit na. Dalawang beses na lang kami kumain sa isang araw.
MANGINGISDA: Dayuhang barko naghahari sa dagat, coast guard walang magawa, kami na lang ang hahabulin para maki-agaw sa kakarampot na huli.
SUNDALO: Kami ang pambala sa laban pero mga Heneral naglalaro ng pulitika, nagpapayaman at nagpapasasa sa magagandang bahay at kotse tapos marami pang bisyo.
PULIS: Maliit na ang sweldo, abonado pa sa gasolina at kailangang bumili ng sariling bala at baril, samantalang ang opisyal namin nagpapasarap sa kita galing sa droga, jueteng at iba pang bisyo.
VENDOR: Naglalagay na kami hinuhuli pa, naghahanap buhay lang kami. Mas masama naman ang magnakaw.
JEEPNEY, BUS AT TAXI DRIVER: Mahina na nga ang kita, kinokotongan pa kami. Grabe pa ang holdup.
KAWANI NG GOBYERNO: Pati benepisyo lumiliit, ni hindi makautang sa GSIS, mga boss namin lahat pinagkakakitaan, desisyon sa opisina base lahat sa pulitika.
TRAVEL AGENTS: US, Britain, Australia, New Zealand at Canada pinagsabihan ang kanilang mamamayan na huwag pumasyal sa atin, tiyak marami pa ang susunod. WOW PHILIPPINES!
OVERSEAS FILIPINO WORKERS: Malayo sa pamilya dahil walang trabaho sa sariling bayan, konting pinag-iipunan ninanakaw pa sa airport at mga illegal recruiter, ngayon pati welfare fund na sadyang amin, gagamitin pa sa pulitika.
NEGOSYANTE: Wala na ngang kita, lumiliit na ang puhunan, tuloy pa ang huthot ng mga KASOSYO sa BIR at MALACAÑANG.
MAGULANG: Pagod ka na sa trabaho, nag-aalala ka pa pagdating mo sa bahay at wala pa ang mga bata, kasi ang taas ng krimen, nagkalat ang droga, kaba tuloy laging nasa dibdib.
GURO SA PUBLIC SCHOOL: Mabuti pa ang mag domestic helper sa Hongkong, dito gutom ang pamilya namin, gagamitin pa kami sa pandaraya sa eleksyon.
ESTUDYANTE: Paliit na nang paliit ang aming bilang. Di na ma-afford ng aming mga parents ang tuluy-tuloy na pagtaas ng tuition fee at iba pang gastos.
KALABAN NI SEÑORITA: Ginagawan ng kaso, iniimbentuhan ng baho, kabi-kabilang bintang pag nahiwatigang lalaban, kami na naman ba ang suspect?
JUSTICES AT JUDGES: Ang magaling na abogado ay yung magaling umayos, hindi makulit at nakikipagtalo, susunod sa aming gusto at laging tama ang presyo.
MAMBABATAS: Bahala kayo sa buhay nyo, basta ma- release lang ang pondo ng pork barrel ko.
ALIPORES NI SEÑORITA: Samantalahin ang panahon. What are we in POWER FOR? Suportahan ang pamamalagi sa Malacañang upang kami ay laging makinabang.
SONA NI SEÑORITA ikumpara sa SONA NG MASA, kayo na ang humusga.
Para sa ano mang reaksyon, mag-e-mail lang sa [email protected] o kayay magtext o tumawag sa 0927-2654341. Mapapakinggan nyo rin po ang inyong lingkod sa DZEC 1062 mula 4:30 hanggang 6:00 ng hapon tuwing Lunes at Miyerkules.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest