^

PSN Opinyon

Editoryal - Dakpin muna si Al-Ghozi saka na ang dakdakan

-
KADALASAN, ang maraming plano at salita ay walang nararating at nagagawa. Mas maraming dakdak, marami rin ang palpak. Kapag hindi nagkaroon ng iisang plano ang pamahalaan tungkol sa pagkakatakas ng mamamatay-taong si Fathur Rohman Al-Ghozi, hindi na siya madadakip. Ang pagtakas ni Al-Ghozi at dalawang teroristang Abu Sayyaf ay maihahalintulad sa iba pang nagsitakas na hanggang ngayon ay hindi pa nahuhuli. Mag-iisang linggo nang nakatatakas si Al-Ghozi subalit nangangapa pa ang mga awtoridad.

Agad na lumikha ng isang independent fact-finding commission si President Gloria Macapagal-Arroyo para imbestigahan ang pagkakatakas nina Al-Ghozi sa umano’y secured at heavily guarded na Intelligence Group cell sa Camp Crame. Hinirang ni Mrs. Arroyo si dating Ambassador Sedfrey Ordoñez para pamunuan ang commission. Kabilang sa miyembro si Justice Sec. Simeon Datumanong. Tinanggap ng dalawa ang alok at sinabing tatapusin nila sa loob ng 30-araw ang imbestigasyon. Kailangan daw tingnang lahat ang mga bagay-bagay at walang reservation. Kailangan daw maabot ang pinakailalim at matukoy kung sino ang mga kasangkot. Masaktan na raw ang masasaktan.

Kakatwa ang balak ng gobyerno sa pagtakas ni Al-Ghozi. Ang kanilang pinagtutuunan ng pansin ay hanapin ang dahilan ng pagtakas at hindi ang masusing paghanap at pagtugis sa tumakas. Kung magko-concenrate sa dahilan ng pagtakas, walang kahihinatnan ang lahat ng ito at hindi na makikita ang mamamatay-tao. Nangyari na ang pagtakas at wala nang magagawa pa. Malinaw namang kakutsaba ang mga guwardiyang pulis o mga matataas na opisyal, bakit kailangang unahin silang imbestigahan. Kung ang pagtutuunan ay ang paghanap kay Al-Ghozi, mas madaling makikita kung sino ang utak ng pagtakas. Pakantahin si Al-Ghozi kung sino ang mga kakutsaba niyang opisyal at kapag napatunayan, pagsama-samahin sila sa isang kulungan at doon bulukin. O i-lethal injection para hindi na pamarisan. Kung hindi sila papatawan nang mabigat, lulubha pa ang problema sa mga tumatakas. Kahiya-hiya ang bansa sapagkat ang nakatatakas pa ay mga hindi karaniwang tao – mga kriminal na ang nakakayang patayin ay mga inosenteng sibilyan. Sa pambobomba noong Dec. 30, 2000, maraming tao ang namatay at nasugatan. Karamihan sa kanila ay mga bata.

Kailangang maigawad ang katarungan. Dapat maibalik sa kulungan ang mamamatay-tao.

vuukle comment

ABU SAYYAF

AL-GHOZI

AMBASSADOR SEDFREY ORDO

CAMP CRAME

FATHUR ROHMAN AL-GHOZI

GHOZI

INTELLIGENCE GROUP

JUSTICE SEC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with