^

PSN Opinyon

Kusang pagbibitiw PNP chief Ebdane, damage repair sa kahihiyan ng pulisya

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
NARARAMDAMAN ko ang hapdi at sakit na nararamdaman ngayon ni PNP chief General Hermogenes Ebdane.

Nakikita ko yung uri ng ‘‘mental torture’’ na dinadanas ni PNP chief. Hindi ako magtatakang mamamayat siya sa konsumisyong ito habang mainit na pinag-uusapan ang pagtakas ng tatlong terorista.

Kawawang si General EBDANE. Mahalintulad sa isang pinunong nilagyan ng ‘‘ipot’’ sa kanyang bumbunan ng kanyang mga pinagkakatiwalaang tauhan.

Makakatulong siguro kay Gen. EBDANE kung kusa na lang siyang magbitiw at huwag nang hintayin pang sibakin ni President Gloria Macapagal-Arroyo. Nakatitiyak ako, na kusang loob din na tatanggapin ni GMA ang kanyang pagbibitiw.

Makabubuti ang kanyang pagbibitiw kung ‘‘damage control at damage repair’’ ang pag-uusapan. Sa bagay na ’to mapapadali ang ‘‘top to bottom investigation’’ ng walang pag-aalinlangan sa magsasagawa ng imbestigasyon kung wala sa puwesto si EBDANE.

Isang malaking kahihiyan sa mga kapitbahay nating bansa sa Association of Southeast Asian Nation (ASEAN). Hindi lang sa ASEAN kundi sa buong mundo sa pakikipaglaban nito sa terorismo.
* * *
Narito ang mga reaksyon ng ating mga tagasubaybay sa amin matapos mailathala ng BITAG ang sindikatong nasa loob ng ‘‘RENT-A-CAR SCAM.’’

Basahin ang kanilang mga text sa aming tanggapan:

Ilan sa mga hot car na yan ay umabot dito sa San Jose Batangas. Naloko nila ang mga nanahimik na residente ng Batangas. Isang konsehal at ilang kaibigan nito ang nangungumbinsi dito. Isinasanla nila ang hot car sa halagang P120,000 sa mga tao dito sa Batangas at pinapalabas nila na galing ito sa casino. After 3 months ay tutubusin daw ng may-ari tapos papalitan na lang daw nila ng kahit anong sasakyan. Sir Ben, sana po matulungan n’yo maibalik yung mga perang nakuha sa mga tao dito sa Batangas. Sana ay mahuli na si Macusi nang huwag pamarisan. More power to you! God Bless! (0919-8279992).
* * *
Good Afternoon Sir Ben. I’m Belyne Prades, wife of the lieutenant Prades. We are on of the victims of Aminugacusi. We have recovered our car last Saturday at Macapagal Avenue. We asked the assistance of police as we were brought to Pasay police station. Our car was driven by Mr. Joven and he has holding papers that the car was both by Prohealth company. We were wondering how come Aminah Macusi produce papers to sell it. The ORCR was named Dulce Macusi. We want to file a case against her for falsification of documents. I don’t agree what you published that Macusi is innocent. I have proofs that she’s not innocent to this crime. (0917-6106524).
* * *
I’ve read your article on todays Pilipino Star NGAYON about the issue on Macusi. She even called me up and was very surprised about it. Salamat po sa suporta n’yo para sa katotohanan. More power to you. Rest assured of my all out support. I’ver decimated your program with my comrades para maraming sumubaybay at magtiwala sa iyo. Lieutenant Prades (0917-6457952).
* * *
Para sa mga tips, reklamo’t katiwalian, tumawag o mag-text sa mga numerong ito: 0918-9346417 at sa telepono 932-5310/932-8919. Makinig sa DZME 1530 Khz, Lunes hanggang Biyernes, 9:00-10:00 ng umaga. At panoorin ang programang ‘‘BITAG’’ sa ABC-5, tuwing Sabado, 5:00-5:30 ng hapon.

AMINAH MACUSI

ASSOCIATION OF SOUTHEAST ASIAN NATION

BATANGAS

BELYNE PRADES

CENTER

DULCE MACUSI

MACUSI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with