Smoking ban, isang katuparan (Huling Bahagi)
July 16, 2003 | 12:00am
SA MAHAL Public Service TV show ay malimit kong guest-doctors ang mga bantog na manggagamot kabilang na ang mga noted cardiologists, oncologists, nephrodogists, atbp. Itinuturing na unprecedented in the history of Philippine television ang live presentation ng MAHAL na tampok na panauhin ang kilalang cardiologist na si Dr. Miguel RS, Cornejo na habang nagpapaliwanag sa pinsalang dulot ng paninigarilyo ay ipinakikita naman ang dalawang baga (lungs) ng tao. Tumambad sa mga viewers ang nakaririmarim at nakasusukang lungs ng isang chain smoker na namatay sa lung cancer. Kulay talong ang baga na may mga butas at may mga patse ng namuong dugo na animoy alkitran ng kalye.
Ipinaliwanag ni Dr. Cornejo na sa paninigarilyo nagmumula ang kanser sa baga dahil ang bawat stick ng sigarilyo ay maraming taglay na chemical na nakalalason. Ang paninigarilyo rin ang sanhi ng sakit sa puso. Nababarahan ng nikotina ang mga ugat na daluyan ng dugo. Sa paninigarilyo rin nakukuha ang chronic bronchitis, hirap sa paghinga, pneumonia at ang kinatatakutang emphysema. Ang mga buntis na naninigarilyo ay apektado ang sanggol na dinadala nila sa sinapupunan. Maaaring ang sanggol ay lumabas na patay (stillborn), kulang sa timbang at mabubuhay lang sandali matapos ipanganak. Mapaminsala ang usok ng sigarilyo sa mga hindi naninigarilyo (passive smokers) lalo na sa mga bata.
Pakiusap ko sa mga naninigarilyo na tigilan na nila ang bisyong ito. Isipin nila ang kalusugan at ang kanilang mga mahal sa buhay. Harinawa na ang Anti-Smoking Bill ay maipatupad na mabuti nationwide at hindi matapos lang sa pagiging batas nito. Gaya ng malimit kong ipaalala, pakaingatan natin ang ating kalusugan na isa sa ating tanging yaman.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended