^

PSN Opinyon

Nakalipas ang isang dekada, suspect malaya pa!

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
Mga kaibigan, nais kong bigyan daan ang storyang ito, isang karimarimarim na katayan na nangyari sa cainta, isang dekada na ang nakararaan.

Ang suspect ay isang po2. Malaya siyang gumagala-gala sa ating lipunan at ang aking balita ay ginagamit itong taong ito bilang hitman ng ilang politiko at sa iba pang krimen.

Umaasa ako sa tulong niyo, sama-sama nating tugisin ang suspect na ito. May warrant of arrest ang taong ito!

Ganito ang mga pangyayari sampung taon ang lumipas.


MARAMING taon na ang nakalilipas ng mangyari ang krimeng binansagang Cainta Massacre subalit magpasahanggang ngayon ay hindi pa rin nalulutas ang kasong ito.

Kung bibilang ka ng lima sa pinaka-notorious at ‘most wanted’ sa listahan ng ating law enforcers, si PO2 Eleazer Perez ay nabibilang dito. Mula pa noong Abril 21, 1993, hanggang ngayon ay patuloy na nagtatago at tinutugis ng mga alagad ng batas dahil sa pag-massacre sa pamilya Mutuc.

Sa patayang ito, walang awang pinagsasaksak ni Perez, kasama ang nagngangalang Darwin delos Santos at dalawa pang lalaki na nagsilbing lookouts, ang buong miyembro ng Mutuc family.

Ang motibo, ayaw nang makipagbalikan ng girlfriend na si Elizabeth Mutuc dahil mas ninais pa ng dalagang nagtatrabaho sa Japan bilang contract worker kaysa bumalik dito at makapiling si Perez.

Nang makapanayam namin noon ang kapatid ni Elizabeth na si Lourdes, napag-alaman namin na masama ang loob ni PO2 Perez dahil nagpunta ng Japan si Elizabeth. Plano na nilang magpakasal ng taong iyon at itinakda na raw ni Perez ang pag-iisang dibdib nila ni Elizabeth sa tag-araw ng 1993.

Subalit nang papalapit na ang panahong iyon, na-iba ang ihip ng hangin. Nagbago ang isip ni Elizabeth. At sa kanyang mga sulat kay PO2 Perez, sinabi ni Elizabeth na gusto niyang manatili sa Japan para sa anim na buwan na kontrata.

Nainis si PO2 Perez at nagpunta sa bahay ng mga Mutuc sa Cainta. Mula roon ay nakausap niya ng long distance si Elizabeth at deretsahang sinabi nito sa kanya na magtatagal pa siya ng anim na buwan sa Japan bilang extension ng kanyang kontrata sa club na pinagtatrabahuhan niya.

Asang-asa si PO2 Perez na babalik sa Pilipinas ng mga Abril si Elizabeth upang tuparin ang pangako ng babae na sila ay magpapakasal.

Sa kanilang pagtatalo, nadinig ng isang miyembro ng pamilya na nakaligtas sa madugong massacre sa bahay ng mga Mutuc na si Danilo na sinabi ni PO2 Perez na, "Iisa ka lamang diyan, marami sila rito. Kapag hindi ka umuwi ng Pilipinas, uubusin ko silang lahat."

Ang pananakot na ito ay hindi masyadong binigyang pansin ni Elizabeth. Naisip lamang niya na galit lamang si PO2 Perez at hindi ito seryoso kaya sa bandang huli, maiintindihan din niya ang lahat.

Pero hindi ganoon ang nangyari. Talagang sumama ang loob ni PO2 Perez. Ang buong paniniwala niya, niloloko lamang siya ni Elizabeth at mayroon na itong ibang kasintahan sa Japan.

Ika-21 ng Abril 1993, bandang alas-9 ng gabi, dumating si PO2 Perez kasama sina delos Santos sa bahay ng pamilya Mutuc sa Blk. Lot 6, Phase 1-A, Summergreen Subd., Brgy. Sta. Rosa, Cainta, Rizal.

Dahil tanggap si PO2 Perez sa pamilya Mutuc at kilala siyang kasintahan ni Elizabeth, pinagbuksan siya ng pinto kahit na gabi na siyang dumating. Ayon kay Lourdes, bagamat nakainom ito ay pinakitunguhan pa rin nila ito nang mabuti.

Tumagal ang inuman at kuwentuhan. Palibhasa buntis ang asawa ni Eric na si Jocelyn at ang lola naman ni Elizabeth na si Regina Alvarado ay 70-anyos na, nauna na ang mga ito na matulog. Naiwan pa rin si Eleazar at si Darwin na nakikipag-inuman kay Eric. Ayon pa kay Lourdes, napilatan na lamang si Eric na makipag-inuman kay Perez dahil alam nitong masama ang loob niya kay Elizabeth.

Tumagal hanggang umaga ang inuman. Lingid sa kaalaman ni Eric, tumitiyempo lamang si PO2 Perez at nang masigurong tulog na ang lahat, nag-umpisa na itong magwala. Hinawakan at iginapos nilang dalawa ni Darwin si Eric saka binusalan ang bibig upang hindi makasigaw. Sinubukang manlaban ni Eric subalit pinagtulungan siya.

Ang palagay ng mga ahente ng National Bureau of Investigation, habang nagaganap ito ay sinenyasan nina Perez ang dalawa pa nilang kasama na matagal nang nagbabantay sa labas ng bahay ng mga Mutuc.

Kinaladkad nila si Eric sa bandang terrace at doon nila inumpisahan ang trahedya na habambuhay nang maitatala sa ating crime book bilang ‘The Cainta Massacre.’

Isang krimen na bunsod lamang ng maling uri ng pag-ibig, isang pamilya ang nilimas ng isang duwag at sira-ulong lalake na hindi marunong tumanggap ng katotohan.

Abangan ang iba pang detalye ng pagpatay ni PO2 Perez sa Miyerkules, July 16, 2003 dito sa ‘CALVENTO FILES.’

Nanawagan ako kay pnp director general hermogenes ebdani, jr., Kay director reynaldo wycoco ng nbi, kay director eduardo mantillano ng cidg, maari ba, please lang, pakihuli lang ang taong ito. Isang sampal sa ating buong kapulisan ang patuloy na malayang pagala nitong taong ito sa ating lipunan.


Para sa anumang reaksyon maaari kayong mag-text sa 09179904918. Maaari din kayong tumawag sa 7788442.

ABRIL

CAINTA MASSACRE

ELIZABETH

ISANG

KAY

MUTUC

PEREZ

PO2

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with