^

PSN Opinyon

Bayanihan banking sa Pasay City

- Al G. Pedroche -
MAGANDANG konsepto ang bayanihan banking program gaya nang ipinatutupad sa Pasay City. Ito’y naitayo sa inisyatibo ng VEDCOR Brotherhood of Christian Ministers, mga mamamayan sa Pasay at suportado ng United Nations Development Program at ng pamahalaang lungsod sa pangunguna ni Mayor Peewee Trinidad.

Alam n’yo ba na sa murang gulang ng may 2,000 estudyante ng Pasay City South High School, natututo silang magsinop at mag-impok? Bawat isa’y naghuhulog ng P5 kada linggo na sa loob lamang ng tatlong buwan ay aabot ng P84 libo (collectively of course), at may tubong 7 porsyento kada taon.

Ang maganda sa konsepto’y pag-aari ito ng komunidad, kasama ang mga mararalitang pamilya at mga mag-aaral. Cooperativism ika nga. Hindi tulad ng ibang institusyong pinansyal na pawang mga mayayaman at impluwensyal na tao ang may kontrol at pakinabang dito. Dito’y kayang patunayan na kayang tulungan ng mga mahihirap ang kanilang sarili kung magbabalikatan at magtutulungan.

Kaya nga si Presidente Gloria Arroyo mismo ang naggawad ng "Galing Pook 2002 Award sa Bayanihan banking program na ito dahil matatawag na kakaiba at nakatutulong mai-angat ang antas ng kabuhayan ng mga mahirap. Maging si dating Presidente Cory Aquino ay impressed sa konseptong ito nang minsang dumalaw sa lungsod.

Sana’y tularan ang ganitong programa sa ibang dako ng bansa. Sa halip na magbibigay ka ng minsanang dole-out sa maralita na minsan lang magagamit, ito’y isang pangmatagalang tulong para matuto ang maralita na i-angat ang sariling kabuhayan.

Sabi nga ng matandang kasabihan ng mga Tsino: "bigyan mo ng isda ang isang mahirap at minsan lang siya kakain. Turuan mo siyang mangisda at hindi na siya magugutom kailanman."

ALAM

BROTHERHOOD OF CHRISTIAN MINISTERS

GALING POOK

MAYOR PEEWEE TRINIDAD

PASAY CITY

PASAY CITY SOUTH HIGH SCHOOL

PRESIDENTE CORY AQUINO

PRESIDENTE GLORIA ARROYO

UNITED NATIONS DEVELOPMENT PROGRAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with