^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bagong pag-asa sa mga hindi naninigarilyo

-
MAY bukas pa para sa mga hindi nagyoyosi. May pag-asa pang makatikim ng sariwang hangin na walang halong usok ng sigarilyo. Nilagdaan na ni President Gloria Macapagal-Arroyo ang Republic Act No. 9211 (Tobacco Regulation Act) na nagbabawal sa paninigarilyo sa mga publikong lugar, pag-regulate sa paggamit ng tobacco products at ganoon din ang pag-aadvertise nito. Ang may sponsor ng batas ay si Sen. Juan Flavier, dating Health Secretary ng Ramos administration. Co-author ng batas si Ilocos Sur Rep. Eric D. Singson. Kakatwang ang co-author ay nagmula sa Ilocos Sur na isa sa mga nangungunang probinsiya na ang produkto ay tabako.

Isa sa mga makabuluhang batas ang RA 9211 at sana ay magkaroon ito ng matalas na ngipin para lubusang maitupad. Hindi sana matulad sa ibang batas na pagkaraang pagdebatehan nang napakatagal na panahon ay mawawalang-bisa lamang. Isang napakagandang regalo ng batas na ito sa mga hindi naninigarilyo. May pag-asang hindi magkaroon ng mga sakit dahil sa ibinubugang usok ng mga naninigarilyo. Ang sakit na nakukuha sa paninigarilyo ay isang dahilan ng maagang kamatayan nang halos lahat ng tao sa buong mundo. Sa report ng health authorities, mas matindi ang sakit na nakukuha ng mga nakakalanghap ng usok kaysa sa mga gumon sa sigarilyo.

Ang mga sakit na nakukuha sa paninigarilyo ay ang kanser sa baga, labi, trachea, bronchus at pharynx. Ang pagkakaroon ng sakit sa puso, stroke at iba pang sakit sa circulatory system ay bunga rin ng paninigarilyo o iyong mga nakalalanghap ng usok ng sigarilyo. Tinatayang may 200,000 Filipino men ang nagkakaroon ng mga nabanggit na sakit. Sinabi ni Health Secretary Manuel Dayrit na gumastos ang pamahalaan ng P42 bilyon dahil sa mga sakit na dulot ng paninigarilyo. Sa buong mundo, tinatayang may 4.9 milyong katao ang namamatay bawat taon dahil sa sakit na nakukuha sa paninigarilyo.

Sa pagkakasabatas ng RA 9211 mahigpit na ipagbabawal ang paninigarilyo sa lahat ng publikong lugar, kabilang ang schools, hospitals, clinics, laboratories, restaurants, pampasaherong sasakyan at marami pang iba. Ang sinumang lalabag sa batas ay pagmumultahin nang malaki at makukulong nang hanggang tatlong taon.

Ipatupad ang batas na ito nang may bigat at hindi ningas-kugon lamang. Marami nang batas na nasayang dahil sa pakitang tao, siguruhing ang RA 9211 ay maisisilbi at nang tuluyang mailigtas ang mga hindi naninigarilyo sa tiyak na kamatayan.

BATAS

ERIC D

HEALTH SECRETARY

HEALTH SECRETARY MANUEL DAYRIT

ILOCOS SUR

ILOCOS SUR REP

JUAN FLAVIER

NANG

SAKIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with