"Bakal sa bakal"
June 23, 2003 | 12:00am
MAGANDANG LABAN ITO! DAIG ANG MUHAMMAD AT JOE FRAZIER FIGHT! THRILLA IN MANILA PART 2 BA?
Senator Robert Barbers, binabangga si Sen. Panfilo Lacson. Kanino ba kayo? Sa Pula o sa Puti? Sa Meron o sa Wala? Sa Dehado o sa Llamado? Droga ang pinag-uusapan. Durugan naman ng pangalan ang kahihinatnan. These two prominent and powerful gentlemen, Senators at that are placing their names and reputation on the line. TUMABI KA LANG AT BAKA IKAW AY MADALA SA LAKAS NG BAGYO!
Si Senator Robert Barbers, isang sertipikadong Pulis. Tumaas ng ayon sa taon at mga na-accomplish sa serbisyo. Mula sa isang pamilya na kilalang Police Officers decalidad. Namuno nuon ng Department of Interior and Local Governments at itinatag ang grupo ng PARAC.
(Hindi naman sa pagmamayabang, ang inyong lingkod ang nag-isip ng pangalang PARAC at itoy ibinigay ko kay Sen. Bobby. Hindi naman siguro maikli ang memorya ni Sen. Barbers at dun pa kami nun nag-meeting sa Silahis coffee shop).
Subalit ang isyu ngayon ay hindi na "blind item" lamang kundi tahasan at lantarang pagkakaladkad ng pangalan ni Sen. Panfilo "Ping" Lacson. Isang PMA Graduate. Naging Director ng Philippine National Police at ngayon ay isa nang ganap na abogado.
"I really wish Sen. Ping should stop using the old beat-up excuse that all these are politically motivated."Ang dahilan daw ay dahil malakas ang pag-asa niyang maging presidente sa 2004. Baklang sagot yan. (no reference to your gender. Magagalit yung niregaluhan mo ng bahay at binigyan ng sports car na M-Benz na pula na gamit mo nung nag-meeting tayo sa Dulcinea. Sino nga bang beauty queen na ito? Ah, eh baka mali pala ako. Pero alam ko at kilala ko ang pangalan. Wag na nga lang yan. Pati na rin yung mga paborito mong mga Broadcasters nakapagsasabi kung gaano ka-macho ka. Wag na rin guluhin sila!) Hilaw ang sagot mo, Sen. Ping. Answer the allegations para kaming lahat naman ay maliwanagan kung ikaw nga ba ay sangkot sa droga at kidnap for ransom o hindi! Those who come to court should come with clean hands. Now show everyone you have clean hands and neat nails. You know what I am talking about!
Bagamat isa ako sa mga dating humahanga sa yo at sa galing mo na manggamit ng tao, nandun pa rin ang respeto ko sa iyo subalit sa pagkakataong ito, kailangan upuan mo ito at sagutin ng maayos ang mga bintang ng mga kasama mong Senator. You owe it to the millions of followers who voted for you and who continue to support you. Hindi naman basta pwede mo na lang sabihin na "everything is politically motivated." Wala na palang pwedeng ipasagot sa iyong isyu at ang magiging sagot mo ay "politically motivated."
Putris, pinasok mo yang politika. Sabi mo nun hindi ka papasok dahil madumi ito. Ngayon puro politically motivated. Hindi ka pa nga nakakasiguro kung mananalo ka kay Danding Cojuangco, Raul Roco o Kay FPJ (kapag itoy nagdesisyong tumakbo). Kay Gloria Macapagal-Arroyo na ngayoy lumalakas muli at gumaganda ang dating sa tao. Manalo ka kaya kung tatakbo ito? Malamang tumakbo dahil totoo naming kailangan nating basahin ang "body language" para malaman natin. Ako hindi na kailangan pa. Tatakbong muli yang si PGMA!
Pero hindi pa eleksyon ang isyu. Ang isyu ngayon ay dapat mong sagutin ang akusasyon ni Barbers na sinang-ayunan naman ng ilang kasama nyo dyan sa Senado!
Kailangan na kasing malutas ang problema natin sa droga. Its like were sitting in a time bomb ready to explode because the drug menace has become so huge, the problem so gargantuan, that unless a solution is reached it will explode on our faces, much more dangerous than the terrorists.
Hindi ko rin naman maintindihan itong si Secretary Joey Lina. Umeksena pa. Sabagay okay din na makasali pa. Ang ikinaiiling ng aking ulo (tsk..tsk..tsk..) eh, bakit pa Sec. Joey kailangan mong bigyan ang sarili mo ng taning ng 3 buwan at malulutas mo na ang problema sa droga.
Why dont you make it easy on yourself and stop giving in deadlines. Di ka na natuto. Sa Jueteng isang taon ang ibinigay mo, walang nangyari. Dito sa mas mahirap na problema, tatlong buwan naman. Wala namang nagpre-pressure sa inyo. Tanungin mo nga si Bobby Barbers kung kayang lipulin ang lahat ng pushers, bigtime at small time sa loob ng tatlong buwan. Kung oo ang sagot niya, kayo na rin ang naglagay ng lubid sa mga leeg nyo. Hindi mga small time pushers ha, gaya ng ipinarada sa media ni Deputy Director Aglipay at ni NCRDO Director Reynaldo Velasco. Puro mga small time pushers lang yan. Pang publicity lang yan. Pakita nyo sa amin ang ulo ng mga sindikato sa isang press presentation at papalakpakan pa kayo ng tao.
SA PAGTATAPOS, wala na talagang pag-asa itong si Dir. Gen. Hermogenes Ebdane talaga. Inamin na rin na hindi niya kayang sugpuin ang kidnapping sa lalong madaling panahon. Mag-resign ka na lang Dir. Ebdane at bigyan daan ang ibang may kaya niyan. Ano bang klase yan na nagsasabing hindi ko kaya. Resign na!
Para sa inyong mga comments at reaksyons, i-text nyo sa 09179904918. Maaari rin kayong tumawag sa "CALVENTO FILES" 7788442.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended