^

PSN Opinyon

Urong-sulong si GMA sa 2004 poll

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
MARAMI na ang hindi naniniwala sa sinabi ni President Gloria Macapagal-Arroyo na hindi na siya tatakbo sa 2004 election. Dahil na rin siguro sa mga ipinakikitang kilos ni GMA nitong mga nakaraang araw. Marami rin ang mga sumang-ayon sa obserbasyon ko na magpapalit na ng desisyon si GMA.

Panay ang ratsada ni GMA sa Mindanao. Binubuhusan niya ang lugar na ito ng kanyang di-pangkaraniwang atensiyon at halos lahat ng tulong ay ibinibigay niya sa mga mamamayan dito na ang karamihan ay mga Muslim na matagal nang napabayaan.

Pati mga tauhan niya sa Malacañang ay pinaiikut-ikot niya. Si Nani Braganza ay ginawang Presidential Adviser on Political Affairs. Ang pumalit sa puwesto ni Braganza ay si Usec Milton Lingod. Dalawa na ngayon ang namamahala sa political affairs samantalang hindi naman daw tatakbo na si GMA sa 2004.

Urong-sulong si GMA kung tatakbo siya o hindi sa 2004. Desidido na sana siya na hindi na tumakbo noong nakaraang taon dahil sa pagbaba ng kanyang rating. Subalit mula noon ay gumanda na naman ang performance niya lalo na nang bumisita siya sa US.

Naghahanda na si GMA na tumakbo sakali mang gumanda ang tanawin para sa 2004. Kung matutuloy ang pagkandidata ni GMA sa pagka-UN Sec. General, siya pa rin ang mamimili sa papalit sa kanya. Maaaring si Danding Cojuangco ang pipiliin niya. Abangan.

ABANGAN

BINUBUHUSAN

BRAGANZA

DANDING COJUANGCO

GMA

POLITICAL AFFAIRS

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PRESIDENTIAL ADVISER

SI NANI BRAGANZA

USEC MILTON LINGOD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with