^

PSN Opinyon

Dagdag-bawas imbes flying voter

SAPOL - Jarius Bondoc -
PUMASOK ang Comelec sa P1-bilyong Voter Validation System para daw linisin ang voter lists. Marami raw multiple registrants na nagiging flying voters sa araw ng halalan, ayon kay Comelec chairman Ben Abalos.

Pero hirit ni Gus Lagman, computer expert ng Namfrel, laos na ang flying voter bilang taktika ng tiwaling politiko. Magastos kasi ito: P200 hanggang P2,000 kada flying voter. Tapos, mahigpit pa sa presinto. May poll watchers na nakakakilala sa bawat botante. May indelible ink pa sa mga nakaboto na. Kaya ang uso ngayon ay dagdag-bawas. Ilang teacher at Comelec officer lang ang kasabwat, Mas mura ang gastos, pero mas malaki ang numerong madadaya. Makikita ito sa statistics:

Sa anim na probinsiya sa Bicol nu’ng 2000, malaki na ang 0.09% ang multiple registrants. Sa Metro Manila nu’ng 2001, 0.3% lang, o 15,328 ng 5.1 milyon botante ang multiple registrant, at 0.2 percent lang sa iba pang siyudad.

Mas matindi ang dagdag bawas. Sa Marikina nu’ng 1998 ang IIIII-II na boto sa isang presinto ay ni-record na "five-two." Kaya sa municipal canvass, naging "fifty-two." Walang kahirap-hirap nadagdagan nang 45 boto, imbis na umupa ng 45 flying voter.

Sa Manila 4th district nu’ng 2001, ang bilang na 19 boto ay ni-recod na "ninety." Muli, nadagdagan nang 71 boto, pero hindi na nagbayad sa 71 flying voters. Sa teacher lang.

Sa labanan ng vice governor sa Rizal nu’ng 2001, 28,725 ang boto ng isang kandidato sa bayan ng Binangonan. Pero sa canvassing, ginawa itong 35,725. Umangat nang 7,000 boto ang kandidato sa sulat-kamay lang ng isang tao. Kapansin-pansin nga naman kasi kung naghakot siya ng 7,000 flying voters.

Marami pang ehemplo si Lagman. Ang punu’t-dulo ng study niya: Hindi kailangan ang P1-bilyong VVS. Kaya ng volunteers mag-house-to-house para iberipika bawat botante. Kailangan ang automated counting kontra sa dagdag-bawas. Kaso mo, may anomalya rin sa kontrata nu’n.

BEN ABALOS

COMELEC

GUS LAGMAN

KAYA

MARAMI

PERO

SA MANILA

SA MARIKINA

SA METRO MANILA

VOTER VALIDATION SYSTEM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with