^

PSN Opinyon

Rehistro ng botante imposible matapos

SAPOL - Jarius Bondoc -
LAHAT daw ng 38 milyong botante ay dapat magpa-register uli para sa May 2004 election. Meron kasing bagong Voter Validation System ang Comelec. Sa halagang P1 bilyon, maglalagay ng makina sa election offices at malls.

Magpapa-retrato at fingerprint bawat isa, at iisyuhan ng ID card. Meron tayo mula Hulyo hanggang Disyembre para magpa-validate.

Ang hindi ma-validate, ayon kay Comelec chairman Ben Abalos, ay mahihirapan bumoto. Ilalagay ang pangalan sa watch list at uusisain bago bigyan ng balota.

Pero heto ang siste: hindi kaya ng Comelec i-entertain lahat ng 38 milyon botante sa loob ng anim na buwan o 180 araw. Ito ang lumitaw sa Gus Lagman, computer expert ng Namfrel.

Palagay nang 10 minuto para retratuhan, i-fingerprint at igawa ng ID bawat botante, kaya 380 minuto ang mauubos sa validation.

Palagay nang 10 oras kada araw bukas bawat makina, kaya 600 minuto kada araw. Kung 180 araw ang validation, walang weekend at holiday, 10,800 minuto bawat makina mula Hulyo hanggang Disyembre.

Palagay nang walang magkakamali sa pagretrato, fingerprint at isyu ng ID, kakailangan ang Comelec ng 35,185 makina para ma-validate lahat tayo.

Pero sa totoo lang, wala pang 10,000 makina ang masu-supply ng kumpanyang Pranses na in-award ng Comelec ng P1 bilyon.

Kung tutuusin, hindi na kailangan ang makina para sa validation. Aksaya lang ito ng pera. Konti lang naman ang padded voters lists na nais i-update ni Abalos sa halagang P1 bilyon. Sa statistics sa Bicol nu’ng 2000, di lalampas sa 0.09% ng botante ang double registrant. Sa Metro Manila nu’ng 2001, 0.3% lang, o 15,328 sa 5.1 milyon botante ang double registrant. Marami rito ay lumipat lang ng tirahan at hindi na naipabura ang pangalan sa lumang listahan-pero hindi naman flying voter.

Baka 10 milyon lang ang ma-validate, ani Lagman. Ibig sabihin, 28 milyon ang mahihirapan bumoto sa May 2004. Nangangamoy gulo ito.

BEN ABALOS

COMELEC

DISYEMBRE

GUS LAGMAN

HULYO

MERON

PALAGAY

PERO

SA METRO MANILA

VOTER VALIDATION SYSTEM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with