^

PSN Opinyon

Buhay pulis (1)

SAPOL - Jarius Bondoc -
KARANIWANG pulis sa Metro Manila ay may asawa at dalawa o tatlong anak. Umuupa lang ng isang kuwarto o kaya’y nakatira sa squatter area. Kapos ang take-home pay para sa upa, pagkain, tubig, kuryente at tuition ng mga bata. Kaya baon sila sa utang-tig-P100,000-para lang makaangat nang konti. At bawas pa sa buwanang sahod ang hulog sa utang. Kaya’t ang karaniwang pulis ay bahagi ng pinaka-mahihirap na Pilipino.

Ito ang lumitaw sa survey na pinagawa ni Deputy Dir.-Gen. Rey Velasco, hepe ng PNP-Metro Manila. Binigyan ng questionnaire lahat ng 13,200 pulis sa capital region; 9,383, o 71%, ang sumagot. Tinanong ang kanilang sahod, iba pang pinagkikitaan o trabaho ng asawa; magkano ang utang, upa o hulog sa bahay; buwanang gastos ng pamilya at tuition.

Karamihan ay lalaki; 69% ang may asawa. Ang take-home pay ng 2,923 sa kanila, 32 sa bawat 100, ay di aabot sa P5,000. Below the poverty line ito. Ayon sa National Statistics Office, kailangan ng pamilya ng lima ng P8,877 para mabuhay nang matino sa siyudad. Eksakto 2,989, o 32.7%, ang may take-home na P5,000-P9,999. Nasa poverty line pa rin. Pinaka-mahihirap ang mga nasa Eastern Police District; pinaka-angat ang mga taga-Western dahil kahit papano’y may ibang pinagkakakitaan o may trabaho ang asawa.

Madalas mag-overtime ang pulis dahil kulang sila, pero walang dagdag na suweldo. Pag-uwi sa squatter area, kailangan makisama sa mga maton, para hindi salbahihin ang pamilya habang nasa overtime. Bugbog sa trabaho. Sa Seoul, Korea, na 6 milyon ang populasyon, 45,000 ang pulis; sa Metro Manila na 11 milyon ang tao, 13,200 lang sila.

Walang sariling pabahay sa pulis. Nag-a-apply din sa GSIS o Pag-IBIG tulad ng ibang suwelduhan. Wala rin sariling sementeryo, miski bingit-buhay sa trabaho. Kung mapatay sa duty, ipit na ang pamilya.

Sa pabaya ng gobyerno sa buhay pulis, malapit tuloy sila sa tukso. Kaya may kotong cops. Pero karamihan pa rin ay matino.
* * *
Abangan: Linawin natin, Lunes, 11 p.m., sa IBC-13.

ABANGAN

DEPUTY DIR

EASTERN POLICE DISTRICT

KAYA

METRO MANILA

NATIONAL STATISTICS OFFICE

PAG

PULIS

REY VELASCO

SA SEOUL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with