^

PSN Opinyon

Travel Special: Negros

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
ANG mga probinsiya ng Negros Occidental at Negros Oriental ang itinuturing na pinakamalaking ‘‘asucarera’’ sa Pilipinas. Ang asukal ay isa sa malakas na export ng bansa.

Bacolod ang capital ng Negros Occidental na may pinakamaraming lungsod na umaabot sa 13 at 19 na bayan. Ang Bacolod ay natala sa Hall of Fame bilang cleanest and urbanized city in the country today. Sa Bacolod ginaganap ang taunang Masskara Festival na dinarayo ng marami. Nakilala bilang Paris de Negros ang Silay City na nahirang din bilang ‘‘Seat of Arts, Culture and Ecotourism in Western Visayas.’’ Makikita rin sa Silay City ang 31 ancestral homes na pawang mga national treasures. Ang Sagay City ay itinuturing na paraiso ng mga mandaragat. Sa Carbin Reef at Maca Reef ay makikita ang mga hindi pangkaraniwang lamang-dagat.

Paborito ng mga turista ang Mambukal Mountain Resort na nasa paanan ng Kanlaon Volcano na isa sa most active na bulkan sa Pilipinas. Marami ring mountain resorts sa Bago City. Isa ring diver’s paradise ang Sipalay City na dito’y may natuklasang underwater church.

ANG BACOLOD

ANG SAGAY CITY

BAGO CITY

CULTURE AND ECOTOURISM

HALL OF FAME

KANLAON VOLCANO

MACA REEF

MAMBUKAL MOUNTAIN RESORT

NEGROS OCCIDENTAL

SILAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with