^

PSN Opinyon

Dayaan-bolahan, centralized sa Cavite

ORA MSIMO - Butch M. Quejada -
NOONG Huwebes (May 22), gumulong na raw ang operasyon ng jueteng sa tekabits kahit na bago raw ang PNP Director dito naglakas loob mangobra ang mga kubrador sa buong probinsiya.

Tinatawagan natin ng pansin si Region 4 Chief Director Jaime Caringal, porke pangalan niya ang ginagasgas daw nina Roy Mayor, Gani Supsupin at Katigbak ang kilabot na jueteng lords diyan sa tekabits.

Kilala natin si General Caringal hindi ito corrupt at kung kaunting barya lang ang pinapausok ng tatlong gago, malamang may paglagyan kayo kay Jaime.

Magkasosyo ang tatlong itlog sa dayaan-bolahan for your information Director Caringal na noong araw ay mortal enemies.

Nabuhayan ng loob ang tatlong itlog kasi naayos daw nila ang bagong grupo ng Task Force Jericho ng DILG?

Papayag ka ba dito Supt. Cabigon, Sir!

Parang kabuteng nagkalat ang dayaan-bolahan diyan sa bayan ng Dasmariñas, Cavite City, Indang, Trece, Kawit, Noveleta, Rosario, Magallanes, Tanza, Maragondon, Ternate, Imus, Bacoor, Naic, Silang, etcetera. Hindi na ito mapipigil sa tingin ng mga kuwago ng ORA MISMO dahil mayroon malaking grasyang tinatanggap ang mga kamoteng kapulisan sa dayaang bolahan.

Ok lang sana kung may tumatama eh kaso dayaan bolahan ang laban kaya kawawa ang mga pobreng mananaya walang nananalo.

Masistema kasi ang tatlong itlog. DILG Secretary Joey Lina, Your Honor.

Hindi nga pala kasama si Secretary Lina sa dayaan bolahan. Kahit na binola nito ang Noypi na kusa siyang lalayas sa DILG kapag hindi niya nasupil ang jueteng?

Ano ngayon Your Honor ang masasabi mo?

‘‘Kung hindi naman susuportahan ng public ang dayaan-bolahan tiyak wala naman ito,’’ sabi ng kuwagong Kotong cop.

‘‘Marami kasing sugarol kaya gusto nila easy money,’’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Ok lang ang easy money kung mananalo sila ang problema malabong tumama ang mga taya nila,’’ angil ng kuwagong urot.

‘‘Hintayin natin ang mangyayari tiyak may aaksyon tungkol sa dayaan bolahan ng tatlong itlog.’’

‘‘Yan ang abangan natin!’’

vuukle comment

BOLAHAN

CAVITE CITY

CHIEF DIRECTOR JAIME CARINGAL

DIRECTOR CARINGAL

GANI SUPSUPIN

GENERAL CARINGAL

ROY MAYOR

SECRETARY JOEY LINA

SECRETARY LINA

YOUR HONOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with