Pinalsipika raw ang daily time record
May 22, 2003 | 12:00am
KASO ito ng dalawang abogado ng Department of Health. Si Amelia ay Legal Officer IV at si Bernardo naman ay Legal Aide VI. Mainit ang dugo ng dalawa sa isat isa sanhi ng inggit ni Bernardo sa mas mataas na posisyon ni Amelia.
Nagsampa kasi si Amelia ng reklamong administratibo laban kay Bernardo. Bilang ganti, sinampahan naman ni Bernardo si Amelia ng estafa sa pamamagitan ng palsipikasyon ng pampublikong dokumento sa Regional Health Office (RHO) at sa Merit System and Protection Board (MSPB) ng Civil Service Commission (CSC). Iginiit ni Bernardo na nakakolekta si Amelia ng suweldo sa mga buwan ng Hulyo at Agosto 1991 sa pamamagitan ng pagpalsipika nito sa DTR (daily time record) nito na wala itong pagliban sa trabaho, na siyang taliwas sa tala sa logbook ng opisina.
Bilang depensa ni Amelia, wala raw palsipikasyong nangyari dahil ang kanyang DTR ay beripikado ng Personnel Section at aprubado ng Regional Director. Kaya, mas may kredibilidad ang DTR kaysa sa logbook. Dagdag pa rito ang kanyang punch cards na umayon sa mga nakatala sa kanyang DTR, patunay na regular ang kanyang pagpasok sa trabaho.
Subalit hinatulan pa rin si Amelia ng palsipikasyon ng kanyang DTR. Ayon sa CSC, ang logbook ang pinakamabisang ebidensiya ng pagpasok sa trabaho ng mga empleyado. Ang desisyon ng CSC ay kinumpirma ng Court of Appeals. Tama ba ang CSC at ang CA?
MALI. Ang logbook ay karaniwang ginagamit lamang sa pagtala ng mga pangyayari sa opisina o kaya ay pagtala ng kinaroroonan ng mga empleyado na ipinadala sa labas ng opisina. Halimbawa, ang isang empleyado ay ipinadala ng RHO sa ibang siyudad at kailangan nitong maglakbay sa pamamagitan ng barko at aalis ng 6:00 am at darating sa siyudad ng 8:00 am, hindi na niya kailangang pang mag-report sa opisina upang itala ang kanyang pag-alis. Mas praktikal ang pagtala na lamang sa logbook. Sa ganitong sitwasyon, pinagbabasehan na lamang ang DTR na siyang sertipikado ng empleyado at ng kanyang pinuno. Samantala, walang sertipikasyon at beripikasyon ang kinakailangan sa logbook.
Sa kaso ni Amelia, pinatunayan niya ang katotohanan ng mga nakatala sa kanyang DTR sa buwan ng Hulyo at Agosto 1991 na siyang beripikado ng RHO at ng RDO. Ito ang nagpapatunay na regular ang kanyang pagpasok sa trabaho (Artuz vs. Court of Appeals et. al. G. R. No. 142444 September 13, 2001).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended