Mapababango kaya ang bumabahong pangalan ni Lina?
May 14, 2003 | 12:00am
KUNG ang sunud-sunod na huli ng bagong tatag na Task Force Jericho ang gagawing basehan, eh maliwanag pa sa buwan na ibig sabihin nito palpak talaga ang jueteng campaign in Interior Secretary Joey Lina. Sa halos tatlong linggong operation kasi umaabot na sa 111 personnel at kubrador ang naaresto ng Jericho sa ibat ibang bahagi ng bansa na magpapatunay na namamayagpag pa ang jueteng taliwas sa ipinangako ni Lina na ipapasara niya ito sa loob ng isang taon. Bakit tahimik si Lina tungkol sa jueteng eh lumampas na ang May 6 deadline niya? Di ba dapat lang mag-report siya sa sambayanan kung ano talaga ang kahihinatnan ng jueteng campaign niya at ano ang naging diperensiya? He-he-he! Kung nahihiya siyang umamin ng katotohanan, puwede rin namang idaan ni Lina sa kanta ang kasagutan niya, di ba mga suki?
Tandang-tanda natin ng mga suki ang pagyayabang ni Secretary Lina na ipapasara niya ang jueteng sa loob ng isang taon. At ang pinakamatindi niyan, abot langit ang sigaw niya na ipaputol niya ang kanyang leeg kapag hindi niya nagawa ang kanyang ipinangako. Sa una pa lang, mukhang umiiwas na si Lina dahil imbes na April 4 nag-isa ang jueteng campaign niya eh ginawa niyang May 6. Pagkatapos naman ng May 6 eh ayaw na niyang pag-usapan ang deadline na itinalaga niya. Bakit? Makakalimutin na ba ang sambayanan natin? He-he-he! Hindi no, kaya nandito pa tayo?
At habang masipag manghuli itong grupo ni Chief Supt. Manuel Cabigon, ang bagong hepe ng Jericho, aba akala ni Lina music to his ears ito. Hindi niya alam na lalong pinapatunayan lamang ng Jericho na hindi nga niya nasunod ang pangako niya. Kayong mga pulitiko talaga, panay pangako na palaging napapako, di ba mga suki?
Maganda ang reputasyon nitong si Cabigon. Sa pagtanong-tanong natin mukhang hulog siya ng langit kay Lina. Makatulong kayang maiahon ni Cabigon mula sa kumunoy itong bumabahong pangalan ni Lina?
Kasi nga may natanggap tayong report na may kalalakihan ng umiikot at nagpakilalang taga-Jericho para ikolekta ng lingguhang intelihensiya itong unit ni Cabigon. At para dumami rin ang huli nila, itong kaibigan kong si Rudy Luna ang ginagamit ng mga bataan ni Cabigon bilang pointer ng mga gambling dens hindi lang sa Metro Manila kundi pati sa Central Luzon. Kung sabagay, abot ni Luna yang mga jueteng dens dahil naikot na niya halos itong bansa natin kung jueteng ang pag-uusapan, di ba mga suki? Kung nandiyan na si Luna sa Jericho hindi nalalayo na nasa paligid lang si Elmer Nepomuceno. Ano ba yan? Ang tanong lang ng sambayanan, ibibigay kaya nina Luna at Nepomuceno ang mga puwesto ng gambling lord na si Nora de Leon eh sanggang-diin sila dito? May punto sila dito, di ba mga suki? Tutulong tayo sa layunin ni Gen. Cabigon na puksain itong jueteng sa bansa sa pamamagitan ng pagparating sa kanya ng mga taong umiikot para ikolekta ng intelihensiya ang unit nya.
Para kay Secretary Lina naman, kung ayaw mong magbigay ng pahayag ukol sa resulta ng jueteng campaign mo ang payo ko huwag ka ng tumakbo sa darating na 2004 elections. Dahil kung may sakit kang limot, nangako rin ang sambayanan na ibaon sa limot ang pangalan mo. At tinitiyak nila, gagawin nila ang pangako nila kabaligtaran sa ginagawa mo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest