Travel special: Ilocandia (Ikalawa sa serye)
May 11, 2003 | 12:00am
Ang Ilocos region ay nasa pagitan ng China Sea at ng kabundukan ng Cordillera at hinahati sa dalawa-Ilocos Sur at Ilocos Norte. Vigan ang capital ng Ilocos Sur at Laoag ang Ilocos Norte. Tinaguriang Intramuros ng Ilocos ang Vigan dahil sa mga lumang simbahan at mga bahay-Kastila sa Vigan na itinayo ni Juan de Salcedo noong 1572. Sa Vigan inilunsad ang Archdiocese of Nueva Segovia na tinaguriang Ciudad Fernandina sa karangalan ni Haring Fernando ng Espanya. Ang Vigan ay natala sa World Heritage List.
Tulad ng Vigan, marami din ang mga kalesa sa mga kalsada ng Laoag na kumbinasyon ng luma at bagong kabihasnan. Ang kabisera ng lalawigan ay nasa Ermita Hill na mas kilala bilang Raquiza Garden. Isa pang tourist destination ay ang William Cathedral na itinayo ng mga Agustinian noong 1612.
Kilala ang Ilocos sa mga lumang simbahan at dalawa rito ay nasa World Heritage List - Ang simbahan ng Santa Maria sa Ilocos Sur at simbahan ng Paoay sa Ilocos Norte. Nasa Paoay din ang Malacañang of the North ni dating President Marcos.
Sa Paoay kinunan ang dalawang higanteng Hollywood movie Ang Mad Max ni Mel Gibson at Born on the Fourth of July na ang bida ay si Tom Cruise.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest