Dumating na ang bangaky ng OFW na 4 na buwang naka-freezer sa Saudi (Solved)!

UPDATE: Dumating na sa ating bansa ang bangkay ni Norberto Vitangcol mula sa Saudi kamakalawa. Ito’y napag-alaman namin sa pamilyang Vitangcol na tumawag pa sa aming tanggapan para ipaalam lang.

Mahigit apat na buwan din ang kalbaryong dinanas ng naulilang pamilya. Kung sinu-sino pa ang kanilang nilapitan. Maging sa Malacanang ay umabot sila. Ngunit sila’y pinangakuan at pinagpasa-pasahan lamang.

Hindi na sila nagdalawang-isip, kaya noong ika-9 ng Abril, lumapit na sila sa Imbestigasyon ng BAHALA SI TULFO. Agad naming trinabaho ang inilapit sa aming problema ng mag-inang Vitangcol.

Nabulabog, nakalampag ang Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA), partikular ang tanggapan ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Jose Brillantes sa aming naisulat sa kolum ding ito, maging sa aming radio program sa Imbestigasyon ng BAHALA SI TULFO sa DZME.

Ngayong nalutas na ang problema, wala na akong dapat idagdag pa. Tigil na ang mga "nagpuputukang kanyon" ng Imbestigasyon ng BAHALA SI TULFO. Binabati na namin si DFA Undersecretary Jose Brillantes for a job well done.

Mabuhay ka Undersecretary! Sana’y marami ka pang matulungang mga pamilyang naulila ng mga OFW. Nandito ang Imbestigasyon ng BAHALA SI TULFO, hangad din namin ang makatulong, para sa kapakanan ng ating mga kababayan sa labas ng bansa.

Narito ang liham na ipinadala ni Undersecretary Jose Brillantes sa Imbestigasyon ng BAHALA SI TULFO.

Dear Mr. Tulfo:


This is to inform you that the human remains of the late Norberto A. Vitangcol, the subject of your letter and news column at Pilipino Star Ngayon, has arrived today (05 May 2003) from Gorayat, Kingdom of Saudi Arabia at 1300H via Saudi Airlines flight no. SV862.

On 30 April 2003, we requested the OWWA Airport Assistance to assist the Vitangcol family to facilitate the necessary documentation for the early release of the human remains upon arrival at the airport. Mrs. Rosalinda Vitangcol was also informed of the flight details and our request made to OWWA.

Today, we have instructed the Embassy to make representations with the employer to facilitate the shipment of personal effects and collection of death benefits of the late Vitangcol.

Rest assured of our continued support and assistance for the welfare of our OFWs and their families in the Philippines. Thank you very much for your abiding interest in our OFWs.

Very truly yours,

Jose Brillantes

Undersecretary
* * *
Para sa mga tips, reklamo’t sumbong, tumawag o mag-text sa mga numerong ito: (0918)9346417 at telepono 9325310/9328919. Magbasa ng diyaryong Pang-Masa(PM) tuwing Martes, Huwebes, at Sabado. Makinig sa DZME 1530 kHZ, Lunes hanggang Biyernes, 9:00-10:00 ng umaga. Panoorin ang "BITAG" tuwing Sabado, 5:00-5:30 ng hapon, ABC-5.

E-mail us: bahalasitulfo@hotmail.com

Show comments