^

PSN Opinyon

Tinanggihan ng ospital ang pasyente

SERGIOSOHAN - SERGIOSOHAN Ni Sergio A.F. Apostol -
Nag-iinuman kami sa ilalim ng punongkahoy na nasa aking bakuran habang ang kapitbahay kong si Chris ay natutulog sa kanyang bahay na malapit sa aming puwesto. Dahil sa lakas ng aming pagkukuwentuhan at pagtatawanan ay nagising si Chris at galit na galit siyang lumusob sa amin at pinagsabihan na sa ibang lugar na kami mag-inuman dahil nakaka-istorbo kami sa kanyang pagkakatulog.

Nag-init din ang ulo ko kaya nagkasagutan kami. Hindi nagtagal at nagkasubukan pa kami. Sinuntok ko siya at sa lakas ng suntok, natumba siya at tumama sa bato ang kanyang ulo. Nang makita kong nadurugo ang ulo ni Chris agad namin s’yang isinugod sa isang pribadong ospital.

Pagdating namin sa emergency room ay hinihingan ako ng deposit para sa pagpapagamot ngunit wala akong dalang pera. Dahil dito, ayaw tanggapin ng ospital si Chris at sinabi pang lumipat na lang kami sa pampublikong ospital.

Maaari bang tanggihan ng isang pribado o pampublikong ospital ang isang pasyenteng nangangailangan ng emergency treatment? –ROBERT RODRIGUEZ, Quezon City


Hindi.
Mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng R.A. 8344 ang hindi pagbibigay ng medical attention sa isang pasyenteng nangangailangan nito kung ito ay walang deposito. Kahit walang sapat na kagamitan ang ospital para i- treat ang pasyente, wala ring karapatan ang ospital na tanggihan ang pasyente. Kailangan munang bigyan ng paunang lunas ng ospital na unang pinagdalhan bago ito ilipat sa ibang ospital na may kakayahan ng gamutin ang pasyente. Kung hindi naman malubha ang pasyente, maaari ipaliwanag ng ospital sa pasyente na mas makakabuti na sa ibang ospital ito dalhin dahil sa walang sapat na kagamitan o doctor upang gamutin ang karamdaman nito. Hindi kayo dapat tinanggihan ng ospital na pinuntahan ninyo.

Ang parusang maaaring ipataw kapag tinanggihan ng ospital ang pasyente ay pagkakabilanggo na hindi kukulang sa anim na buwan at isang araw pero hindi hihigit sa dalawang taon at apat na buwan, o pagbabayad ng multang hindi kukulang sa P20,000 pero hindi hihigit sa P100,000, o pareho, depende sa discretion ng Korte.

vuukle comment

CHRIS

DAHIL

KAHIT

KAILANGAN

KAMI

KORTE

MAAARI

OSPITAL

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with