^

PSN Opinyon

Kapit-tuko ka talaga Sec. Lina, he-he-he!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
NAGMAMAKAAWA si Interior Secretary Joey Lina sa mga gobernador na isara muna ang jueteng sa kanilang mga lugar. Nakiusap umano si Lina sa mga gobernador na kahit hanggang Mayo 6 lang ang deadline ng kanyang jueteng campaign, ay maipasara ang mga pasugalan para maipakita niya sa sambayanan na nagtagumpay siya, he-he-he! Kapit-tuko ka talaga sa puwesto Secretary Lina Sir.

Pero ayon sa mga pulis na nakausap ko, ilang gobernador lang ang sumunod sa pakiusap ni Lina at kasama na rito sina Gov. Ayong Maliksi ng Cavite at Gov. Ningning Lazaro ng Laguna. Sa report na nakarating sa Camp Crame, full blast pa ang jueteng sa Quezon samantalang sa Rizal naman at Batangas ay guerilla-type na ang operation. Sa ibang lugar naman eh mukhang hindi rin tumalima sa pakiusap ni Lina kaya’t hindi nalalayo na mapapalitan na siya. Mukhang abala sa ngayon si Atty. Morga.

Sa Camp Crame naman ay mukhang walang opisyales ng pulis na gustong tulungan si Lina na pansamantala ay masara ang jueteng. Eh kriminal nga hindi nila malabanan itong mga jueteng lords pa kaya na nakikinabang sila? He-he-he! Pag pera mabilis sila. Samantalang itong task force naman na pinamumunuan ni Chief Supt. Manuel Cabigon ay noong nakaraang araw lang naka-first strike. Kung sabagay, pinatunayan ni Cabigon na hindi jueteng-free ang siyudad ni Mayor Jaime Fresnedi nang makaaresto siya ng 13 katao sa magkahiwalay na raids sa Barangay Putatan sa Muntinlupa City. Sayang si Sr. Supt. Erasto Sanchez, ang hepe ng pulisya, dahil matapos niyang manalo ng mga awards bunga sa jueteng-free niyang lugar eh heto’t pinabayaan na niyang maging malaganap ang sugal sa kanyang sakop. Puwede kayang bawiin ng PNP ang mga awards na ibinigay niya kay Sanchez at sa isa niyang tauhan dahil nagoyo lang sila? He-he-he! Hindi pala dapat bigyang pabuya si Sanchez at imbes dapat ay parusahan dahil sa kasong panlilinlang, di ba mga suki?

Nahihirapan na rin si Cabigon na manghuli ng jueteng dahil masyadong maingat na ang mga gambling lords sa kanilang operasyon. Itong unang strike nga niya eh umabot sa P100,000 ang gastusin bago magtagumpay ang kanyang mga tauhan. Sana sunud-sunod na ang magiging tagumpay ni Cabigon para mahatak naman niya pataas itong lumulubog na pangalan ni Lina kung ang jueteng ang pag-uusapan.

Subalit hindi pa nga umiinit ang puwet ni Cabigon sa kanyang silya eh may mga kalalakihan ng umiikot para ikolekta ang kanyang opisina sa jueteng. Ang mga dating opisyal naman ng nabuwag na Task Force Jericho ay patuloy na ginigiit na sa DILG pa sila kaya’t tuloy ang orbit. Niliwanag ni Cabigon na ni isa man sa mga dating tauhan ni Jericho ay nasibak na. Mga bago na ang mga tauhan niya at wala siyang binigyan authorization sa mga ito na mangolekta ng lingguhang intelihensiya. Sigurado akong magyayabang si Lina na naipasara na niya ang jueteng sa Martes. At kung magbukasan man ang jueteng sa susunod na mga araw maaring idadahilan ni Lina na tapos na ang Mayo 6 at wala na siyang pakialam dahil nalampasan na niya ang delubyo niya.

AYONG MALIKSI

BARANGAY PUTATAN

CABIGON

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

ERASTO SANCHEZ

JUETENG

LINA

NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with