Nagpasyang magretiro si Mamerto. Animnapung gulang na siya at nakapagserbisyo na rin sa gobyerno ng 33 taon. Nagpatuloy pa rin ang kanyang sakit kahit na tumigil siya sa pagtuturo. Kaya, hiniling niya sa gobyerno ang kompensasyon sa kanyang pagkakasakit at bayad sa mga nagastos sa medikal at pagpapa-ospital. Tinanggihan ng gobyerno ang kahilingan ni Mamerto. Ayon sa gobyerno, dahilan lamang daw ni Merto na tumigil sa pagtuturo para magamit na nito ang mga benepisyo sa Retirement Law ; at ang pagkakasakit niya ay nangyari lamang nang tumigil itong magturo. Tama ba ang gobyerno?
MALI. Kung ang pagkakasakit ng isang empleyado ay nangyari habang siya ay nagtatrabaho, ipinapalagay na ito ay dahilan ng kanyang pagtatrabaho. Subalit ang palagay na ito ay maaaring pasinungalingan ng employer.
Sa kasong ito, hindi napasinungalingan ng gobyerno ang palagay na ito. Bagkus napatunayang ang pagkakasakit niya ay nagmula sa araw-araw niyang paglalakbay patungo sa malayong baryo kung saan siya nagtuturo. Ang trabaho ng guro ay nangangailangan ng pisikal na lakas at anumang sakit na nagmula sa kanyang trabaho ay nararapat na may kompensasyon (Capacio vs. Republic 159 SCRA 500).