^

PSN Opinyon

Kapag si Ping ang nanalo tiyak me kalalagyan si Buboy Go!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
HUMAHAKOT ng maraming supporters si Sen. Lacson habang hindi kumikilos ang pulisya laban kay Buboy Go, ang hari ng video karera sa Maynila. Kasi nga sa tingin ng mga magulang, si Lascon ang kasagutan sa mga hinaing nila ukol sa nalilipanang video karera ni Buboy Go sa Kamaynilaan at hindi ang liderato ni President Arroyo, Mayor Lito Atienza at chief Supt. Pedro Bulaong, ang hepe ng WPD. Kaya sa tingin ng mga magulang, dapat lang si Lacson ang manalo sa 2004 presidential elections at tiyak nilang may kalalagyan si Buboy Go.

Kaya pala nagngingitngit ang mga magulang dahil sa sobrang kapal ng mukha nitong sina Atienza at Bulaong kung ang pagprotekta kay Buboy Go ang pag-uusapan. Hamakin mo binira natin nitong nagdaang linggo ang mga puwesto ni Go sa Paltoc, Sta. Mesa at laking gulat nila dahil hanggang sa ngayon nag-ooperate pa ito. ‘‘Ika nga, manhid na itong liderato nina Atienza at Bulaong sa mga sumbong ng taumbayan.

Biglang sumulpot si PO2 Boy Tolentino noong Biyernes sa Paltoc, Sta. Mesa at pinagsabihan ang mga may-ari ng bahay na takpan lang ang mga makina nila. Isang araw lang na huminto ang operation ng VK ni Buboy Go at sa ngayon full blast na. Si chairman Victor Malig naman ay pasipol-sipol lang na nag-iikot sa kanyang barangay. Kampante sila na walang gagalaw sa makina ni Buboy Go. At ’yan ay dahil alam ng kaibigan kong si Supt. Bernardo Diaz ang hepe ng Station 4 sa Balic-Balic na magko-coordinate sa opisina niya ang lahat na mag-ooperate laban sa makina ni Buboy Go at presto maaabisuhan niya kaagad ang mga may-ari ng bahay. Buking!

Uulitin ko ang mga makina ni Buboy Go ay matatagpuan sa mga dating puwesto nila sa bahay nina Jonjon Vericio sa 3479 Int. 9; Adelaida dela Cruz sa 3479 Int. 13; Bobby Ganadin sa 3479 Int. 31, at Mila Nosis sa 3479 Int. 34, lahat sa Paltoc, Sta. Mesa. Nandoon pa rin ang malakas ang cara’y cruz at tong-its sa bahay ni Ganadin at ang pa-bookies ng karera sa bahay naman ni Romy Ibasco sa 3479 Interior 12. Kung noon, palaging idinadahilan ng pulisya na ibigay ang kumpletong address sa mga reklamo laban sa VK, ano pa ang hinihintay nila rito? Sobrang pakapalan na ng mukha, di ba mga suki?

Walang pakialam si Malig kung marumi ang kanyang lugar, basta tuluy-tuloy ang patak ng gripo niya, he-he-he! Kung tig-P500 kada puwesto sa isang araw, aba hindi malayo na magiging milyonaryo si Malig matapos ang tatlong taon, di ba mga suki? Kaya’t walang saysay ang isinisigaw ni GMA na ‘‘Strong Republic’’ kung si Buboy Go, na kulangot pa lang sa problemang hinaharap niya ay hindi niya maaaksiyunan. Hihintayin pa ba niyang lumala na ang problema ng droga diyan sa Paltoc bago siya kumilos? Tanong ng mga magulang. Pero sa tingin nila may pagbabago ring magaganap kapag si Lacson na ang nakaupo diyan sa trono.

vuukle comment

ATIENZA

BERNARDO DIAZ

BOBBY GANADIN

BOY TOLENTINO

BUBOY

BUBOY GO

KAYA

LACSON

PALTOC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with