^

PSN Opinyon

Bakit may misis na nangangaliwa

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
PARAMI nang parami ang kaso ng mga babaing nangangaliwa. Ano ba ang nagtutulak sa mga misis para pagtaksilan ang kanilang mister?

Isang mister sa Kamias, Quezon City ang nagrereklamo sa pulisya nang maabutan niya ang kanyang misis na nakikipagtalik sa ibang lalaki. Sinampahan niya ng adultery ang misis. Sabi naman ng misis wala na siyang nadaramang pagmamahal sa asawa. Labis siyang pinaliligaya ng kanyang kalaguyo.

Basta driver sweet lover. Ito ang may pagmamalaking sinabi ng isang misis sa Pasay na umamin na sawang-sawa na siyang makisama sa kanyang mister na lasenggo at durugista.

Sa Marikina bagama’t pito na ang anak ay nagawa pa rin ni Paraluman na makipaglaro ng apoy sa isang machong kapitbahay. Nahuli sila sa akto ng asawang travelling salesman. Parang binagsakan ng langit at lupa si Mister at sa bugso ng panibugho ay pinagtataga ang magkalaguyo.

Isang ginang ang dinemanda ng adultery sa Caloocan City. Inamin niya na pinagtaksilan niya ang kanyang mister dahil malimit siya nitong binubugbog. Siya ang naghahanap-buhay samantalang batugan, lasenggo at sugarol ang kanyang mister kaya natukso siyang kumaliwa.

vuukle comment

ANO

CALOOCAN CITY

INAMIN

ISANG

MISTER

NAHULI

PARALUMAN

QUEZON CITY

SA MARIKINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with