^

PSN Opinyon

DOTC Sec. Leandro Mendoza papalit kay Sec. Lina?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
KUNG ang nagdaang balasahan sa Philippine National Police ang gagawing basehan, mukhang malayo na sa puso ni Presidente Arroyo si PNP Dir. Gen. Hermogenes Ebdane Jr. Makikita kasi na ang mga pinaupong opisyal sa mga sensitibong puwesto ng PNP ay hindi mga bataan ni Ebdane mga suki kundi ’yaong mga alipores nina DOTC Secretary Leandro Mendoza at isang matabang lalaki, na malapit kay President Arroyo, na walang kabusugan sa salapi. Kung pinalibutan niya ang kanyang sarili ng mga opisyales na sa tingin niya ay loyal sa kanya, isang palatandaan kaya ito na tatakbo pa sa darating na 2004 elections si GMA taliwas sa ipinangako niya noong nakaraang Disyembre? He-he-he! Moro-moro na naman ’yan ha?

May balita naman tayong nakalap na kaya pala mga bataan ni Mendoza ang pinaupo ni GMA dahil nga sila lang ang nagpakitang handang magpakamatay para sa administrasyon niya. Ayon sa mga pulis na nakausap ko, may naganap palang pag-aalsa laban kay GMA nitong mga nagdaang buwan at si Mendoza lang ang mabilis na tumabi kay GMA para nga idepensa siya. Hayan napremyuhan tuloy ang mga bataan niya. Kung malakas sa ngayon si Mendoza kay GMA, isang magandang hudyat kaya ito para masabi nating siya na ang papalit kay Interior Secretary Joey Lina? Matagal na kasing kumakalat sa kalye na si Mendoza ang susunod na hepe ng DILG.

At kapag nasa DILG na si Mendoza hindi nalalayo na ang manok niyang si Dep. Dir. Gen. Reynaldo Velasco ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang uupo bilang kapalit ni Ebdane? May balitang kumalat kasi na package deal na itong pag-upo nina Mendoza at Velasco sa DILG at PNP nga kapag dumating nga ang pagkakataon. Kung sabagay maaring magkaklase sila sa Philippine Military Academy (PMA) subalit mas senior naman sa rangko si Velasco keysa dalawa pang contender na sina Dep. Dir. Gen. Edgar Aglipay at Virtus Gil, ang deputy director for administration at deputy chief for operations ng PNP.

Pero kung aanalisahing maigi itong pag-upo ng mga bataan ni Mendoza sa PNP, mukhang naitsa-puwera na ang mga kaalyado ni dating Presidente Ramos sa puwesto sa Palasyo at namayani na nga ay ang kampo ni dating Executive Secretary Renato ‘‘Teka-Teka’’ de Villa. Hindi naman kaila sa atin mga suki na sina Mendoza at Velasco ay sagradong bata ni De Villa samantalang si Ebdane ay alipores naman ni Ramos. Me ‘power play’ kayang nangyayari sa Palasyo? On the way out na si Ebdane? Abangan.

DE VILLA

EBDANE

EDGAR AGLIPAY

EXECUTIVE SECRETARY RENATO

HERMOGENES EBDANE JR. MAKIKITA

INTERIOR SECRETARY JOEY LINA

MENDOZA

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

VELASCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with