Paano papasok sa Community Mortgage Program?
April 16, 2003 | 12:00am
Dear Sec. Mike Defensor,Ako ay kabilang sa mahigit 100 pamilya na nakatira sa isang pribadong lupain dito sa Cebu. Lagi kong sinusubaybayan ang inyong kolum dito sa Pilipino Star NGAYON.
Ako at ang aking mga anak ay matagal nang nakatira sa isang pribadong lupain, minsan ay nabasa ko ang inyong sinulat sa Community Mortgage Program (CMP) ng National Home Mortgage Finance Corp. Nais kong malinawan kung ano ang proseso sa project na ito? Papaano kaya namin mapapasok ang CMP? Mr. P. RAFAEL
Sa pamamagitan ng CMP, maaari kayong magkaroon ng pagkakataon na bilhin ang pribadong lupain na kinatatayuan ng inyong bahay kung may kasunduan kayo ng may-ari ng lupain sa bilihan nito. Una muna ay kailangang magtatag kayo ng isang Homeowners Association (HOA) or Community Association. Pagkatapos ay makipagkasundo kayo sa may-ari na inyong bibilhing lupain. Kinakailangan nyong humanap ng originator o panimulang tagapag-pautang na tutulong para sa pagbubuo/pagpapalakas ng asosasyon, sa pagpapaliwanag sa pag-utang, paghahanda ng kailangang mga dokumento, at iba pa. Ang originator ay dapat na may akreditasyon sa NHMFC, maaaring ito ay lokal na pamahalaan, isang pambansang sangay o korporasyon ng pamahalaan o kayay isang NGO.
Ang NHMFC ang magpapautang sa ilalim ng CMP ng halaga para sa pambili ninyo ng lupa at kinakailangan na maging regular at maagap ang inyong pagbabayad sa NHMFC upang magamit ang pondo sa pagtulong ng ibang pamayanang gaya ninyo na nangangarap magkaroon ng sariling lupain.
Ayusin ninyo sa lalong madaling panahon ang mga papeles at kung kayo ay may katanungan, maaari kayong makipag-ugnayan sa Regional Office ng NHMFC sa Cebu. SEC. MIKE DEFENSOR

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended