Nang mapag-isip ni Mr. Tan na wala siyang pag-asa kay Carina, binago niya ang pakikitungo rito. Binantaan niya ito na kung hindi papayag sa kagustuhan niya, matatanggal ito sa trabaho. Kung anu-ano ang ginawa niya. Pinalipat niya ang mesa nito at tinanggalan ng telepono at intercom. Dahil dito, sinugod siya ni Carina at binato ng stapler.
Tinanggal si Carina sa trabaho.
Nagsampa ng kaso si Carina ng illegal dismissal at hindi pagbabayad ng kompanya sa kanya ng mga benepisyo. Humiling din siya ng bayad-pinsala para sa harassment ni Mr. Tan. Iginiit naman ng kompanya na ang pagmumura at pagbato ng stapler ni Carina ay isang masamang asal. Hindi rin daw totoo ang mga harassment sa kanya dahil pinaabot pa niya ito ng apat na taon bago maisumbong. Tama ba ang kompanya?
MALI. Hindi paglabag sa sekswalidad ng isang empleyado ang paksa ng sexual harassment kundi ang pag-abuso ng employer sa empleyado. Wala ring bilang ng panahon ang pagsusumbong nito dahil ito ay depende sa oras ng pangangailangan at kakayahang emosyonal ng empleyado.
Sa kasong ito, ilegal ang pagtanggal kay Carina sa trabaho. Ang pagbato niya ng stapler at ang ginawa niyang pagmumura ay walang relasyon sa kanyang trabaho bilang nurse. Itoy dahil sa harassment na ginawa sa kanya ni Mr. Tan sa loob ng apat na taon. Ang masamang asal bilang dahilan ng pagtanggal sa empleyado ay kinakailangang may relasyon sa trabaho nito.
Kaya, makakatanggap si Carina ng backwages, P25,000 na moral damages, P10,000 na exemplary damages. At dahil may lamat na ang relasyon niya sa kompanya, hindi na siya maaaring maibalik sa trabaho kundi bayaran na lamang siya ng separation pay (Philippine Aeolus Automative United Corporation et. al. vs. NLRC et . al. G. R. # 124617 April 28, 2000).